Advertisers

Advertisers

Choco Mucho ginulat ang Chery Tiggo

0 200

Advertisers

UMABOT pa sa five sets bago maitumba ng Choco Mucho Flying Titans ang defending champion Chery Tiggo Crossovers, 25-21,16-25,25-17, 18-16 sa PVL Open Conference Linggo.

Matapos mabaon sa 13-11 sa final set, umiskor si Kat Tolentino ng three straight points para ilagay ang Flying Titans s 14-13 advantage. dikdikan ang laban hanggang ang dalawang team ay magtabla sa 16 sa extended set. muling nagtala ang Choco Mucho ng dalawang sunod-sunod na puntos para ikandado ang panalo.

Nagtapos si Tolentino ng 23 points off 19 attacks at four blocks sa panalo ng Flying Titans.
Dahil sa panalo ang Choco Mucho ay umangat sa 2-0 sa Pool A,Habang ang Chery Tiggo nanateling bokya sa 3 games.



Sa iba pang laro, Nasilat ng Cignal HD Spikers ang F2 Logistics Cargo Movers,25-14,25-21,19-25,25-18.

Rachel Anne Daquis nagtala ng 13 points on 11 attacks at two blocks upang ilagay ang Cignal sa tuktuk ng Pool A standings na may 2-0 baraha.

Balik sa aksyon ang Cignal sa Martes kontra Choco Mucho habang ang F2 makakaharap ang Flying Titans sa Huwebes.