IPM-MNAP mas palalakasin ng MASADA Region 8 para sa UniTeam
Advertisers
SAMA-SAMANG nag-oathtaking ang popular na grupo ni MASADA Region 8 Convenor Nene Bacale sa Ituloy Ang Pagbabago Movement-Mahalin Natin Ang Pilipinas (IPM-MNAP) kahapon.
Sa ginawang pagtitipon na dinaluhan ni Davao Occidental Gov. Claude Bautista sa Conrad Hotel, nanumpa ang mga suporters ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte at former Senator Bongbong Marcos na mas pag iigtingin pa ang kanilang boluntaryomg tulong upang masigurado ang panalo ng UniTeam.
Si Marcos at Duterte na tumatakbo bilang Presidente at Bise Presidente ng bansa sa pagkakasunod ay patuloy nangunguna sa mga official surveys at makikita sa lahat ng matagumpay na rallies nito.
“Walang atrasan. Sisiguraduhin namin ang panalo, upang tuloy-tuloy ang pagbabago at pag-unlad ng bansa. Kailangan po ng taong-bayan ang katapatang taglay ng ating soon-to-be President Marcos at VP Sara Duterte,” mariing pahayag ni Bacale na naging dahilan ng pantay na kulay pula at berde dahil sa pinamigay na hoodie nito sa nasabing pagtitipon sa Conrad Hotel.
Dinaluhan din ng iba pang kilalang personalidad ng bansa ang pagtitipon tulad ng ilang opisyales, business owners maging ni Atty. Jay Gernale, chief legal of Inday Cares, na personal nag pasalamat sa IPM-MNAP at MASADA 8 Convenor Bacale.