Advertisers
PATI mga kadebate sa ginanap na Pilipinas Debates 2022: The Turning point, na Commission on Elections-sponsored presidential debate ay di-mapigilang humanga at sang-ayunan ang matapang na pangako ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nang muling ipaalaala sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na kolektahin agad ang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos na utang sa gobyerno ng Pilipinas.
Kung siya ang maging pangulo sa Mayo 2022, ipinangako ni Yorme Isko na sisingilin niya ang pamilya Marcos.
Paliwanag ng kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko, sa pagbawas ng excise tax sa krudo at koryente, P65-B ang nawawala sa gobyerno.
Kung masingil ni Isko ang estate tax, “…, meron pa akong P203 billion minus 65 billion pesos, narami pa ako na daan-daang bilyon pa na pwede nating maibigay sa tao.”
Sinuportahan si Yorme Isko ng mga kadebateng sina Ka Leody dr Guzman, Sen. Panfilo Lacson, at Vice President Maria Leonor Robredo.
Mula sa masisingil na esrate tax ng mga Marcos, paliwanag ni Yorme Isko, doon niya kukunin ang iaayuda sa milyon-milyong pamilyang Pilipino na labis na pinerwisyo ng pandemya.
“Umasa kayo,… ‘yung isang pamilyang may utang na P203 billion na estate tax, sisingilin ko ‘yung P203 billion na yon, ibibigay ko sa magsasaka, ibibigay ko sa driver bilang ayuda ng taong-bayang nangangailangan ng tulong ngayon,” sabi ni Yorme Isko.
Dinugtungan ni Sen. Lacson si Yorme Isko na sinabi: “Tama ‘yon. Eh mayroon ngang P200 billion, sisingilin lang, nandyan na, bakit ayaw singilin ng BIT. Samantalang ‘yung projected income ng gobyerno sa Train 1 and 2, is about P100 billion.”
Unang ipinangako ni Isko ang pagsingil sa utang ng pamilya Marcos sa presscon nito, Marso 1 nang banggitin ang Supreme Court ruling (G.R. No. 120880) sa P203-B na utang ng pamilya Marcos sa estate tax sa pamahalaan.
Noong 1997, nasa P23-B lang ang utang na buwis ng pamilya Marcos pero lumubo ito sa P203-B dahil sa patung-patong na multa at interes sa loob ng 20 taon.(BP)