Advertisers
PASUGALAN ni Tolits ‘untouchable’ dahil sa bataan ni Malapitan at matitikas sa Bulacan
KUNG tumiklop sina alyas “Marissa” at alyas “Popoy” sa hagupit ng Philippine National Police (PNP), hindi si alyas “Tolits”.
Naninitili ang pamamayagpag ang iligal na pasugal niya na drop-ball at color game sa Bicas sa Camarin, Caloocan.
Pokaragat na ‘yan!
Walang takot itong si Tolits na ang amo ay si alyas “Mike” dahil sa suporta ng isang alyas “Peter”.
Takot kay alyas Peter ang PNP ng Caloocan City na pinamumunuan ni Colonel Samuel Mina Jr. dahil itong si alyas Peter ay bataan daw pala ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan.
Pokaragat na ‘yan!
Ang pananatili ng garapalang iligal na pasugal ni alyas Tolits ay dahil ‘nakasandal’ o ‘nakakapit’ pala kay alyas Peter na bataan ni Mayor Malapitan.
Sa Bulacan, garapalang namamayagpag ang color game at drop-ball nina alyas “Jessica” sa Pandi at Baliwag, Bulacan; iigal na pasugal ni alyas “Bondying” sa Pandi at sa Balagtas naman si alyas “Querol”.
Sina alyas Jessica, alyas Bondying at alyas Querol ay siyang matitikas Bulacan ngayon.