Advertisers

Advertisers

Problema sa Four-Day Week Schedule

0 350

Advertisers

To rule a country of a thousand chariots, there must be reverent attention to business, and sincerity; economy in expenditure, and love for men; and the employment of the people at the proper seasons. — Chinese philosopher Confucius

MAAARING magpatupad ang mga employer ng apat na araw na linggo ng trabaho kahit walang bagong batas o department order na nagtatakda ng panukala, ayon kay labor ndersecretary Benjo Benavidez.

Nauna ritong iminungkahi ni socioeconomic planning secretary Karl Kendrick Chua ang pagpataw ng apat na araw na linggo ng trabaho upang makatipid ng enerhiya at maibsan ang mga gastusin ng publiko sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.



Sabi pa ni Chua na naniniwala siya na ang panukalang four-day work week ay hindi na kailangan ng isang batas o panibagong department order sapagkat noong nakaraang taon ay nakapaglabas na ang gobyerno ng mga labor advisory na ang mga employer ay puwedeng magpatupad ng mga flexible work arrangement.

Mula noong 2020, maraming kompanya sa Pilipinas ang nagpapatupad ng flexible work arrangement gaya ng work-from-home, pagbabawas ng normal na araw ng trabaho at job rotation. Dito nilinaw ni Benavidez na ang mga employer ay may “management prerogative” kung paano i-regulate o isasagawa ang kanilang mga operasyon.

Dangan nga lang, nalimot yata o nakalikdaan nag ating mga labor official na ang umiiral ngayong sistema sa karamihan ng mag kompanya at and polisiya na ‘no work, no pay’ kung kaya mas magiging pahirap ang implementasyon ng isang ‘four-day week schedule’ para sa mga manggagawa.

Kapag ito ang ipinatupad, mangangahulugan ma mababawasan pa ng isang araw and kakarampot ma halaga ma sinasahod ng bawat trabahador dahil hindi babayaran ang mga araw na wala silang pasok o trabaho.

Tulad ito ng asking naranasan ngayon sa pinagsisilbihan kong kompanya na dati-rati’y sumusuweldo ako ng sapat pero ngayo’y halos nahati ang aking buwanang tinatanggap dahil ibinawas dito ang mga araw ng Sabado at Linggo at maging ang mga regular na holiday sa isang taon.



Kung nabawasan man ang gastusin no sa pamasahe sa mga araw na wala akong pasok, ang nawala din naman sa akin ay suweldo para sa bawat araw na wala akong pasok.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!