Advertisers

Advertisers

Ronald Lomotos bagong hari ng Ronda

0 420

Advertisers

NASUNGKIT ni Ronald Lomotos ng Navy Standard Insurance ang overall championship sa 11th Ronda Pilipinas na nagtapos sa Burnham Park sa Baguio City Linggo.

Ang 27-year-old Lomotos ay umarangkada sa 10th at final stage,para matawid ang finish line ng 3.1 kilometer criterium at 20th place sa 1 oras,17 minuto at 50 segundo.

Ang San Felipe, Zambales native ay kinoronahan ang kanyang sarili bilang Ronda King at inuwi ang cash purse na halagang P1 million.



“I still can’t believe I’m now LBC Ronda Pilipinas champion,” Wika ni Lomotos, na nakuha ang pinagsama-samang oras na 35:31:38 sa 10-stage race, na tampok ang mahigit 1,000 kilometers na flat roads at mountain passes mula sa ibat- ibang siyudad simula sa Sorsogon.

Si Lomotos, na nagtapos second overall sa likuran ni Navy teammate George Oconer sa nakaraang edition ng taunang cycling spectacle dalawang taon ang nakaraan, ay naungusan ang teammate Ronald Oranza ng 21 segundo at nagtapos na segundo.

Naibulsa ni Oranza ang P400,000 cash prize.

Tatlong bikers mula sa team ang nagtapos sa top 10 — El Joshua Carino (No. 3, 35:50:32), Jeremy Lizardo (No. 4, 35:50:43) and John Mark Camingao (No. 10, 36:12:17).

Inangkin rin ng Navy ang kanilang seventh Ronda team crown sa kabuuang oras na 103: 56:27 habang sinako ang iba pang individual awards — Oranza (Twin Cycle Gear King of the Mountain), and Jeremy Lizardo (MVP Under-23 at Gogo Express Top Rookie).



Samantala, Inanunsyo ni Excellent Noodles racing captain Santy Barnachea ang kanyang pagretiro matapos ang 25 years sa cycling at mag-concentrate na lang sa coaching.