Advertisers

Advertisers

Barbie proud sa sarili, marunong na mag-drive ng kotse

0 348

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISANG very proud na Barbie Forteza ang nagbahagi ng kanyang bagong achievement sa buhay sa kanyang social media account.
Ito ay ang natuto na raw siyang mag-drive by herself. Ayon sa Kapuso young actress, matagal na talaga niyang planong mag-aral ng driving pero dahil sa nagkasunud-sunod ang kanyang mga project ay nauudlot ang kanyang plano.
“GMA basement parking, grabe, na-survive ko ‘yun. Ang challenging noon! Kahit ‘yung pababa pa lang ng basement, ang challenging pero kinaya ko naman,” say ni Barbie.
Isa talaga sa goal ni Barbie kung bakit niya gustong matutong mag-drive ay maging independent na siya at hindi laging umaasa sa kanyang daddy na ipag-drive siya.
“I feel more independent and nararamdaman ko na talagang tumatanda na ako. Hindi na kailangan palaging nandiyan ang Daddy ko para ipag-drive ako. Siyempre may mga times na dapat ako na lang mag-isa, kaya ko naman.
Siguro ‘yung pinaka realistic na gusto kong mapuntahan na ako ang mag-drive, Tagaytay. Gustung gusto kong pumunta doon, food trip tapos maganda ‘yung weather,” dagdag na say pa rin ni Barbie.
***
ENJOY si Gelli de Belen sa bago niyang project na “Wala Pa Kaming Title”, isa sa show sa bagong platform ng Vivamax ang kanilang OOMPH Podcast Network.
Kabilang sa podcast na show na ito, maliban kay Gelli de Belen, ay ang kapatid niyang si Janice, Carmina Villarroel at Candy Pangilanan. Sa hindi nakakaalam, nabuo ang show nila dahil sa tunay na buhay ay mga tunay silang magkakaibigan, iisa raw ang kanilang galawan at lahat daw sila ay madaldal.
Kaiba sa mga talk show na nagawa ni Gelli, mas level up ang kanilang tsikahan at pagiging marites na apat. Pwedeng pag-usapan anything under the sun, as in mga tsismosang kapitbahay lang ang peg nila.
“It’s just like you are eavesdropping sa pag-uusap ng mga tita mo na nasa kabilang table,” say ni Gelli.
“This is the ultimate chikahan ng mga amigas. It tackles anything and everything under the sun that concerns parents raising teenagers and young adults, with a vibe that is so approachable and friendly.
“Sa friendship, una sa lahat, you have to be a true friend urself. I feel na ibinabalik lang nila sa akin kung ano ang ibinibigay ko sa kanila. We are blessed that we found each other. And sabi nga, birds of the same feather flock together. We have the same interests, and lahat kami madaldal so ayan, may podcast na kami,” dagdag pang say ni Gelli.”