Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo…” (Roma 15:13, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
PATULOY NA KALAKASAN NG BBM-SARA UNITEAM SA MGA BOTANTE, IKINAMAMANGHA NG MGA RESEARCHERS MULA SA MGA UNIBERSIDAD SA NCR: Nagpapahayag ng matinding pagkamangha ang ilang mga socio-political researchers mula sa iba’t ibang mga unibersidad sa Metro Manila sa ipinapakitang kalakasan ng BBM Sara Uniteam sa mga surveys ng gustong ibotong pangulo at pangalawang pangulo sa Halalan 2022.
Ang kanilang pagkamangha ay ibinabatay nila sa katotohanang bagamat walang puknat ang mga puna, batikos, at maaanghang na kritisismo ng kanilang mga kalaban, kasama na ang kanilang mga trolls o upahang tagapaghayag ng mga kontra kay Bongbong Marcos at Sara Duterte, patuloy ang pangunguna nina BBM at Sara.
Ganito rin ang pagkamanghang ipinakikita ng mga supporters ng isang kandidatong pangulo na hindi umaangat sa kaniyang pagiging numero dos o tres sa ranking sa mga surveys, gaya ng isang Eden Pelaez sa Twitter.
Sa kaniyang Twitter post noong Huwebes ng umaga, Marso 17, 2022, ganito ang inilabas ni Pelaez sa Twitter: “… ‘Yung mga duwag sa debate at nilalangaw ang campaign rally laging top 1 sa survey. Shame on you!!…”
Ayon sa mga political observers na nakausap ng Kakampi Mo Ang Batas, lumilitaw na hindi pinaniniwalaan ng nakararaming mamamayan ang mga puna, batikos, at kristismo laban kina Bongbong at Sara.
***
MGA PUNA, BATIKOS AT KRITISISMO KINA BBM AT SARA, LALONG NAGPAPALAKAS SA KANILANG KANDIDATURA: Ipinakikita din ng patuloy na pagiging number one sa surveys nina BBM at Sara ang katotohanang lalo pang pinalalakas ng mga banat, puna, at batikos ang dalawang pambato ng UniTeam.
Ganundin, ipinakikita pa din ng nasabing mga surveys ang patuloy namang pagdausdos pababa ng mga kalaban ng UniTeam, na tanda ng kawalan ng suporta sa kanila ng mga mamamayang botante sa Halalan 2022.
Sa pag-aaral ng mga socio-political researches, lumilitaw na mas epektibo ang ginagawang taktika ng UniTeam, lalo na ni BBM, na hindi sumasagot sa mga banat at batikos laban sa kaniya.
Ito ang nakikitang dahilan kaya’t sa ilang mga nakakaraang araw, naiulat ang mga pagkilos ng mga kaalyado ng mga kalaban nina BBM at Sara upang ang mga kulelat sa surveys ay magsama-sama na lamang at suportahan ang kandidatura ng isa sa kanila.
Ang isa sa mga prominenteng kumikilos tungo dito sa sinasabing pagsasama-sama ng mga nahuhuli sa surveys ay si Sen. Franklin Drilon, kilalang supporter ni Vice President Leni Robredo.
Ang problema lamang, ayon pa din sa mga political observers, kahit pa pagsama-samahin ang mga bilang ng nasabing mga presidentiables na nangungulelat sa surveys, hindi magkakasya ang mga ito upang makalapit man lamang sa bilang ng mga supporters nina BBM at Sara.
Sa tinig na pabiro, sinabi tuloy ng isang BBM-Sara Uniteam supporter na makabubuting mag-concede na lamang ng pagkatalo ang mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente na laging huli sa mga surveys.
***
BBM, NAKATAKDANG MAGING “MAJORITY PRESIDENT” DAHIL SA LAKI NG LAMANG SA BOTO: Samantala, ayon naman kay Bb. Ana Mae Lamentillo, kolumnista ng Manila Bulletin, napipintong magkaroon ng isang tunay na majority president ang Pilipinas kapag mananalo si BBM sa Mayo 09.
Sa kaniyang kolum na Night Owl na lumabas sa nasabing pahayagan ngayon, sinabi ni Bb. Lamentillo na “ Finally, the Philippines might just have a majority president…”
Sinabi pa ni Bb. Lamentillo: “In the latest Pulse Asia survey results released on March 14, the UniTeam of Former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) and Davao City Mayor Sara Duterte remain to be this elections’ frontrunners…”
Pinagbatayan ni Lamentillo ang pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey kung saan napanatili ni BBM ang kaniyang mahigit 60% lamang sa kaniyang pinakamalapit na kalaban upang patuloy na mangunguna ang anak ng dating Pangulong Marcos sa halalan.
“We all felt the warm welcome of the people who cheered and chanted “BBM” and “Bongbong-Sara.” I have never seen anything like it…” dagdag pa ni Lamentillo.
***
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com (Kakampi Mo Ang Batas), Radyo Pilipino stations, Luzon, Visayas, and Mindanao, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Newsbreak Media Company, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network.