Advertisers

Advertisers

Fearless Entrepreneur Joel Cruz, negosyong mula pabango hanggang takoyatea

0 429

Advertisers

INAMIN ni Lord of Scents at tinagurian ding Fearless Entrepreneur Joel Cruz, na malaki ang naging epekto ng pandemic sa negosyo niyang Aficionado.
Malaki anya ang ibinaba ng benta ng kanyang mga produkto na ine-endorso pa ng ilang sikat na personalidad.
Dagdag pa na malungkot na inalala ni Joel na tinamaan anya siya ng Covid-19 at malaking halaga rin ang nagastos niya sa pagpapagamot.
Pero hindi nasiraan ng loob si Joel, sa kabila ng mga pagsubok na dumating at dumaan ay nanatili siyangnagdasal at nanindigan na maipagpapatuloy ang kanyang negosyo para na rin sa kanyang mga anak.
Kaya nga sa tulong ng kanyang mga kaanak, isinilang ang bagong negosyo na TakoyaTea by Joel Cruz, na naging bukambibig na rin ng marami ang katakamtakam na takoyaki at refreshing milk tea na may iba’t ibang flavors.
At dahil nauunawaan ni Joel ang hirap ng buhay ngayon, naisipan niyang magbukas ng frenchising at dealership sa mga kababayan nating nangangailangan ng pagkakakitaan.
Sa dealership, mas maliit na kapital lang ay puwede nang magnegosyo ng Takoyatea na ang net profit ay nasa 2.8% up to 26.93%. Mas malaking package, mas malaki ang kitaan.
Mula sa P5, 888 na mas okey kahit nasa bahay lang dahil walang renta na babayaran; P10, 888 Silver Package, P20, 888 (Gold) at P48,888 (Platinum) ay maaring makakuha ng kaya ng inyong bulsa. Sa mga interesadong simulan ang pagnenegosyo ng Takoyatea by Joel Cruz, tumawag na sa mga numerong 0949-9929475, 0949-8894268, 0949-9929471, 0949-8894264, 0998-8484703.(BKC)