Advertisers

Advertisers

General Yarra, gasgas sa ilegalista!

0 713

Advertisers

SAYANG ang maganda at maningning na carreer ni Region 4A PNP Regional Director, PBG Antonio C. Yarra, kung patuloy nitong pahihintulutan ang mga gambling at illegal drug maintainers sa kanyang hurisdiksyon na gamitin ang kanyang pangalan para malayang magpatakbo ng kanilang mga iligal na hanapbuhay?

Kung sakali namang di pa nakakarating sa kaalaman ng heneral, sa pagkakataong ito ay nais nating ipaalam sa kanya ang mga kabulustugang pinaggagagawa ng mga gambling operators na sina alias Mely ng Brgy. Anilao Labac, mag-asawang Hadjie at Aiza ng Brgy. San Jose, Ronnie at Oying na nakabase naman sa Brgy. Lodlod, Sampaguita, Bolbok at Sabang, pawang sa Lipa City at alias Willy Bokbok ng bayan naman ng Nasugbu, lahat ay matatatagpuan sa lalawigan ng Batangas.

Marami pa ang mga grupong kriminal na tila kabuteng nagsulputan at nagsisipag-operate ng kanilang gawaing labag sa batas sa kabuuan ng CALABARZON.



Gayunman ay tutukan muna natin ang mga pinaka-notoryus na tulad nga nina alias Mely, mag-asawang Hadjie at Aiza, mag-partner na Ronnie at Oying at Willy Bokbok.

Para din silang singaw na biglang nilukob ang kabuuan ng mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. At kataka-takang nag-umpisa ang mala-sindikatong pag-ooperate ng mga iligalistang ito nang mapaluklok na si General Yarra bilang pinakamataas na pinuno ng pulisya sa nasabing rehiyon.

Nauna na ngang isiwalat natin ang operasyon ng na perya/ sugalan ( pergalan) na prente din ng bentahan ng shabu sa Brgay Anilao Labac na pinamumunuan ni Chairman Moreto Hosme.

Dagsa ang mga sumbong na naiparating sa SIKRETA hinggil sa anila ay kapabayaan ni Lipa City Police Chief, P/Lt.Col. Ronald Cayago dahil sa di nito pag-aksyon laban sa lantarang pasugalan sa kunyari ay mini-carnival ni alias Mely na binigyan kuno ng –permit to operate ni Kap. Hosme.

May ipagyayabang pa si alias Mely na permit to operate mini-carnival na mula naman kuno sa tanggapan ni Lipa City Mayor Eric Africa. Totoo po ba ito mayor?



Ngunit ang pinaka-matinding panakot ni Mely sa sinumang nagtatangkang kwestiyunin ang ligalidad ng kanyang mga pasugal ay ang bendisyon kuno sa kanya ni General Yarra.

Ipinagdidiinan pa ng gurang na babaing gambling operator na “best friend” nito si Gen. Yarra at nagsimula ang kanilang pagiging “especial friendship” simula pa lang nang ang heneral ay nasa Quezon City Police District.

Itininuturo pang tambayan ng mga drug pusher ang nasabing pergalan at ilan pa sa mga tauhan doon ay sila mismo ang tagapagbenta ng shabu sa dakong gabi habang nasa kasagsagan ang tayaan doon sa sugal na color games, beto-beto, sakla, cara y cruz, drop balls at iba pang uri ng bawal sa batas na table at card games.

Ang mag-asawa namang alias Hadjie at Aiza ay nag-ooperate ng Small town lottery (STL) bookies o jueteng sa Brgy. San Jose at iba pang barangay sa naturang lungsod.

Ang mga kabo at kubrador din ng mag-asawa ang itinuturo namang tagapagbenta ng shabu sa halos lahat na barangay ng Lipa City.

Sina alias Ronnie E., at Oying naman ay siyang komokontrol ng operasyon ng saklang patay sa 72 barangay ng nasabing siyudad.

Kapag wala namang maiburol na patay sa mga barangay ng siyudad ay umaarkila ng bangkay sina Ronnie at Oying sa kanilang suking punerarya at ang mga ito ay ipinabuburol nila sa mga barangay ng Lodlod, Bolbok, Sampaguita, Sabang at ilang pang barangay para doon magpasakla.

Ang partehan ay 80 porsiyento pabor kina Ronnie at Oying samantalang 20 percent lamang naman para sa naulilang pamilya.

Totoo ba na kaya dedma at di iniuutos ni Mayor Africa ang paglansag sa mala- sindikatong operasyon nina alias Mely, Hadjie at Aiza at Ronnie at Oying ay sapagkat “kabatakan” ni Mayor ang mga barangay chairman sa mga naturang lugar?

Ipinangangalandakan ng mga nabanggit na iligalista na nagpondo sila ng malaking halaga sa kandidatura ni Africa noong May 2019 midterm elections kaya bahagyang naungusan nito ang kalabang si Bernadette Sabili, asawa ng noon ay wala pang talo na ex-Lipa City Mayor Meynard Sabili.

Namimiligrong matalo na si Africa laban sa nagbabalik na si Meynard Sabili sa darating na May 9, 2022 elections lalo na kung kung patuloy na magpapabaya ito na sisirain ang kanyang pangalan ng mga nabanggit na gambling at illegal drug operators.

Sa bayan ng Nasugbu ay may tatlong gambling financiers na nagbabanduhan din na “may parating” sa tanggapan ni General Yarra. Pinakabagyo at untouchable ang operasyon doon ng isang alias Willy Bokbok na ang bukambibig ay basbas din ng heneral?

Si Bokbok na armado ng mataas na kalibre at di lisensyadong baril ang siyang komokontrol ng kubransa jueteng na lalo ring killala na Small Town Lottery (STL) bookies sa may 32 barangay sa kabuuang 42 barangay ng Nasugbu.

Ang 10 pang barangay ay siya namang kinukubrahan ng dalawa pang gambling operators na pawang kapanalig din ni Nasugbu incumbent Mayor Antonio Jose S. Barcelon.

Kaya naman General Yarra sir, utusan mo sana sina P/Lt Col. Cayago ng Lipa City Police, at ang iyong hepe ng kapulisan sa bayan ng Nasugbu na salakayin na ang mga kuta ng naturang iligalista, kasuhan at ipakulong na ang mga ito.

Hindi makakatulong sa liderato ni General Yarra kung tatamad-tamad ang tulad nina Cayago at ang pinuno ng kapulisan nito sa Nasugbu. Abangan natin ang aksyon ni general?

***

Para sa komento:CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.