James balik-Pinas, reunion movie kay Nadine, niluluto; Angel happy, napansin ang pinagpuyatang placard sa rally ni VP Leni reunion movie nina Nadine at James, posible
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA interbyu ng CNN kay James Reid, nagpahayag ito na magbabalik Pinas.
Abril nakatakda na magbalik-Pinas si James na ex bf ni Nadine Lustre.
Magbabalik bansa ang aktor para sa ilang proyekto na gagawin sa kanyang comeback.
Kaya naisip ng netizens na posible na ang comeback ni James ay ang pagbabalik work with Nadine.
Bukas din naman sa posibilidad ang kampo ni Nadine sa reunion movie nila ni James sa kabila na mayroon nang bagong lovey dovey ang dalaga.
Never naman naputol ang komunikasyon ng ex couple.
Itinuring nila ang isa’t isa na magkaibigan kahit hindi na nga sila magkarelasyon.
Kasalukuyang si Christopher Barriu ang non-showbiz bf ni Nadine after ng relasyon nito kay James.
Marami tiyak na matutuwa na JaDine fans kung matuloy ng reunion ng ex couple.
***
NAGPAKA-fan si Angel Locsin nang makita for the first time si VP Leni Robredo sa isang rally sa Pasig.
Sa latest na datos ay ito na nga raw ang pinakamalaking rally na naitala sa lahat ng rally ni VP Leni.
Sa pag-aten nga ni Angel sa rally ay natuwa naman ito.
Natuwa in a sense na ang pinaghirapan nitong gawin na proyekto ay inabot ng madaling araw.
Ipinakita niya ito sa rally sa Pasig.
Napansin ni VP Leni ang placard na sinasabing pinagpuyatan ni Angel at catchy naman ang nakalagay dito, ‘Ma’m Leni sa’yo na ang bato.’
Tinutukoy nito ang bato na nilulunok ni Narda para maging Darna na ginampanan ni Angel kaya tumatak ito sa tao.
Sulit daw ang pinaghirapan at pinagpuyatan nitong placard para kay VP Leni dahil napansin.
After nun ay picture picture na sina Angel at Leni.
Well, well, well…’Yun na!