Advertisers

Advertisers

JAMSAP Entertainment Corp, inihahanda na ang mga proyekto sa pagbubukas ngayong taon

0 595

Advertisers

PINASINAYAAN na kamakailan ang pagbubukas at pagpapakilala sa JAMSAP Entertainment Corp, ang umbrella corporation ng Jams Artist Talent Center na pag-aari ng mag-asawang Jojo Flores at Maricar Moina at ilang business partners.
Ang bagong tanggapan nito ay nasa One Executive Building sa West Ave., QC. Dinaluhan ito ng iba’t ibang personalidad mula sa pageantry, entertainment at sports.
Nagpoprodyus ang entertainment corporation ng mga talento, events at relevant documentaries.
Matatandaan na noong 2012, sinimulan ang Jams Artist Production sa pangunguna nga nina Jojo at Maricar na may tagline na “Just Attitude Makes You Successful.”
Ito ay isang talent at event production company na kinakatawan ang pool of artists at models sa larangan ng fashion at pelikula.
Taong 2014, nakilala ito bilang talent and casting agency na nagpoprodyus ng credible at reliable talents sa iba’t ibang media platforms at networks. Ginawaran pa nga ito bilang best talent agency ng Golden Globe Annual Awards.
Noong 2017 naman, nagpatuloy ang paglawak nito at nagkaroon ng mga sangay sa buong bansa para makapagbigay ng serbisyo at makatuklas ng mga natatanging indibidwal.
Sa patuloy na pagyabong nito, nabuksan ang maraming oportunidad at events sa publiko na nagresulta para ipanganak ng Jams Top Model Phils at Jams Artist Talent Center na nagresulta sa pagkakaron ng panibagong award mula sa Philippine Award for Customer Service Excellence, ang prestihiyosong “Gold Service Excellence Award nitong nakalipas na 2018.
At para mas makapaglingkod pa sa entertanment industry, nagsanib-pwersa ang tatlong brands para mabuo ang isang malaking korporasyon, ang JAMSAP Entertainment Corp.
Ngayong taon, 2022, magsasagawa ito ng iba-ibang workshops, kabilang ang Jams Top Model Phils. Season 4, Lakbay Jams Documentaries at basketball training camps sa may 50 sangay sa bansa.(BKC)