Advertisers

Advertisers

Kaso ng mga nawawalang sabungero, bakit ‘di ikonsulta sa mga presidentiable aspirant sa kanilang ginaganap na debate?

0 382

Advertisers

BAKIT nga naman ‘di ikonsulta o itanong man lang sa mga Presidential aspirant ang kaso hinggil sa mga nawa-walang sabungero sa kanilang presidential debate na kasalukuyang ginaganap bago pa sumapit ang May 9, 2022 election?

Mahalaga rin malaman ng publiko ang magiging plano nila at balak nilang gawin sa kanilang termino sakaling sila ay maluklok sa liderato.

Bukod sa mga missing na sabungero na umabot na daw ang bilang sa 32, kuwestiyonable rin ang operasyon ng online gaming na E-Sabong na kung saan nag-ugat ang lahat ng ito.



Hindi na siguro basta-bastang isyu ang usaping ito dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring malinaw na paliwanag sa misteryosong pagkawala ng mga ito, buhay pa ba sila o patay ng lahat?

Mantakin niyong halos tatlong buwan na ang lumipas ay wala pa ring klarong sinasabi ang mga awthoridad na naatasang mag-imbestiga nito.

Maging ang Senate probe na pinamumunuan ni Sen. Bato de la Rosa ay blanko pa rin at wala pa ring pina-pakitang pruweba sa agadang pag-lutas ng nasabing kaso.

Duma-dami na rin ang mga taong kinukumbida na pinangungunahan ni GamblingTycoon Charlie “ATONG ” Ang upang magbigay liwanag sa misteryosong pagkawala ng mga sabungero nguni’t nanatili pa rin itong palaisipan.

Si Atong na sina-sabing pinaka-mataas na opisyal ng online gaming ay nagdawit na rin ng mga taong sina-sabi niyang kanyang kasosyo. Ito ay k inabibilanagn ng ilan politiko at malalaking mga negosyante.



Ilan sa mga binanggit niyang pangalan ay sina dating Pampanga Governor Bong Pineda at Cong. Boy Teves na ‘di kaila sa atin ay mga taong ma-inpluwensiya, makapangyarihan at siguradong malakas din ang mga koneksiyon.

Naniniwala ang marami na bukod sa mga nabanggit ay marami pang mga personalidad na higit na mas mataas ang nakikinabang at naaangihan ni Atong Ang kada buwan, totoo kaya ito?

Hindi na nga naman nakakapagtaka na sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan ng online sabong ay tuloy-tuloy pa rin ang operasyon nito na para bang walang anumang nangyayari. Dedma lang ika nga lalo na ang PAGCOR na siyang may karapatan upang ipatigil ito.

Balewala rin at wa epek ang rekomendasyon ng mga Senador na pan-samantala munang suspindihin ang operasyon ng on-line sabong habang dini-dinig pa ang kaso.

Saksing buhay din ang taumbayan sa dami ng sinirang indibiduwal nitong online sabong na ito na na-lulong sa pagsusugal nito sa loob ng 24-oras. Biruin niyong live itong mapapanood sa malalaking TV monitor sa lahat ng mga betting station, nakakalibang nga naman.

May balita rin na ilan miyembro ng ating kapulisan ang lubhang nalulong dito kung kaya’t natuto na ring mangholdap at sumama sa mga illegal na gawain. Ibang klase daw ang kamandag at inpluwensiya ng bisyong ito.

Oo nga naman, mantakin mong ultimo mga sariling anak ng mga magulang ay napapagbili na para lamang matustusan ang kanilang pagsusugal, grabe naman tsk… tsk… tsk…

Mas masahol pa daw sa mga taong addict sa droga ang bisyong ito na pati kaluluwa mo ay pwede mong isanla at ipagbili kay Satanas.

Isang dakilang henyo ang naka-isip nitong negosyong ito, PERA, PERA LANG PWERA DAMDAMIN. Walang kinakailangan maraming mawala, mamatay o mapatay hanggat tumatabo ng salapi, he… he… he…

Kung sa bagay ay isang paraan din nga naman ito upang umangat ang ekonomiya ng bansa na halos dlawang taon ding hindi umaandar. Imagine para para kumita ka ng 540-M a day, matic siyempre na bilyon din ang mapu-punta sa tax at revenue monthly, di po ba ,saan kamay ng Diyos mo kukunin ito?

Ayos lang at wala namang problema dangan nga lang ay husayan at galingan sana ang palakad, wala sanang mapariwara, higit sa lahat at pangalagaan at bigyan ng proteksiyon ang mga tao partikular na ang kanilang mga buhay at pamilya.

Sa situwasyong ito ay aminin na natin at obvious namang wala ng gagawing aksiyon ang ating gobyerno hinggil sa nasabing isyu. Malamang na naghihintay at tina-tapos na lang ng mga ito ang kanilang termino.

Sipat na sipat na rin na ipapasa at iaatang nalang ng mga ito ang kanilang responsibilidad at iniwanang iskandalo sa mga taong hahalili sa kanila. Wala na nga naman problema, tapos na ang boxing.

Maselan at sensitibong ang usaping ito kung kaya’t dapat pag-ukulan ng panahon ng susunod na administrasyon. Harinawa’y maisingit at maitanong sana sa mga Presidentiables sa kanilang dinaraos na debate ang kanilang balak at aksiyon hinggil sa isyung ito.

Timing sana ang pagkakataong ito dahil may social-relevance din naman na may kalakip pang kaganapan, maliban dito ay malaki rin ang posibilidad na ito ay maging banta o Threat To National Security kapag pina-lawig pa ang problema, agad sanang bigyan ng pansin at kaukulang oras ng susunod na administrasyon ang masamang epekto ng E-Sabong gayon din ang misteryosong pag-kawala ng 32 sabungero na hanggang sa kasalukuyan ay malaking palaisipan sa madlang-people.