Advertisers

Advertisers

Mga colorum sa PITX, protektado nga ba ng ilang opisyal ng MMDA?

0 260

Advertisers

ITINANGGI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumakalat na alegasyon na pinoprotektahan nila ang mga colorum na sasakyan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa pahayag ni MMDA Chairman Romando Artes, nakatanggap sila ng ulat na may mga driver ng colorum ng sasakyan na ginagamit ang isang opisyal ng MMDA.

Ito ang binabanggit na pangalan ng mga nasabing tsuper bilang proteksyon sakaling sila ay mahuli sa pagbiyahe o pagkuha ng mga pasahero sa PITX.



Pero base sa ginawang imbestigasyon ng MMDA, walang katotohanan na may nakukuhang proteksyon o may nagpoprotekta sa mga colorum na sasakyan sa PITX na patuloy na dumarami.

Bilang patunay, nasa 44 na sasakyan ang na-impound ng MMDA dahil sa pagsasagawa ng iligal na operasyon sa PITX.

Binalaan naman ni Artes ang ibang grupo ng mga colorum na sasakyan na huwag ng subukan pang kumuha ng pasahero o bumiyahe pa dahil siguradong mananagot sila sa batas.

Pakiusap pa ng opisyal ng MMDA sa mga pasahero na huwag nang tangkilikin pa ang mga colorum na sasakyan dahil sa bukod sa mataas ang singil sa pasahe, wala rin makukuhang anumang tulong sakaling maaksidente.

LTFRB, INALMAHAN ANG KORAPSYON SA IMPLEMENTASYON NG PUV MODERNIZATION PROGRAM



Samantala pumalag ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa naging pahayag ng isang presidential bet na umano’y may korapsyon sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan dahil napunta lamang sa tatlong bus companies ang prangkisa ng PUV system.

Sa isang statement, itinanggi ng LTFRB na na-consolidate sa tatlong bus companies ang PUV system sa bansa, gayundin ang akusasyon ng umano’y korapsyon.

Ayon sa LTFRB, sa katunayan ay inalis ng PUVMP ang sinaunang kultura na lumikha ng isang dekadang problema sa public transport services sa bansa.

Ilan sa mga isyung sinolusyonan ng programa ay ang pagsulputan ng napakaraming prangkisa, pagkakaroon ng napakaraming mga ruta, pag-iral ng “boundary system”. At higit dito, ang pagpapalit ng luma at dilapidated na PUVs.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.