Advertisers
HABANG papalapit ang halalan, 49 days nalang… kanya kanyang gawa ng ingay ang mga kandidato para mapag-usapan at makakuha ng boto at manalo.
Ang presidential aspirant na si Senador Manny Pacquiao ay hinahamon ng debate one-on-one si Bongbong Marcos, Jr.
Si BBM kasi ay hindi sumisipot sa mga organized debate. Siguro dahil sa ayaw niyang matanong tungkol sa napakalaking estate tax, higit P200 bilyon!, na hindi binabayaran ng kanyang pamilya, bukod pa sa income tax na ‘di niya nabayaran sa loob ng apat na taon noong gobernador siya sa Ilocos.
Oo! Napakarami kasing katanungan na may resibo tungkol sa mga Marcos. Na kapag kinalkal mo ay talagang kamumuhian mo ang pamilyang ito.
Reak naman ng mga pro-Marcos sa hamon ni Pacquiao, bayaran din nito ang kanyang ilang bilyong piso na utang sa tax sa BIR.
Si Pacquiao kasi ay kinasuhan ng BIR dahil sa hindi raw pagbabayad nito sa kanyang mga kinita sa pagboboksing. Pero ang katuwitan ng Pambansang Kamao, wala siyang dapat bayaran na tax sa Pilipinas dahil ang mga laban niya ay ginawa sa ibang bansa at doon siya kinaltasan ng tax. Naresolba na ang kasong ito.
Pero sa totoo lang, ang paghamon ni Pacquiao ng debate kay Marcos ay paraan lamang para siya’y mapag-usapan at makakuha rin ng simpatya para mabotohan. Mismo!
***
May pakulo naman ang Sara Duterte (Carpio) supporters. Nagpa-presscon ang mga ito at binandera ang Robredo-Sara tandem (RoSa).
Si Sara ay running mate ni Marcos. At si Robredo naman ang running mate o ka-tiket ay si Kiko Pangilinan.
Obviously, ginugulo lamang ng supporters ni Sara ang Leni-Kiko tandem dahil lumalakas nang lumalakas ito, tulad ng nakikita nila sa mga rali ng kakampinks.
Ang tirada naman ng DDS (Duterte Diehard Supporters) o ilang grupo na sumusuporta kay Sara ay isinusulong ng mga ito ang Isko-Sara, pinapagpag ng mga ito si Marcos sa pangalan ni Sara.
May grupo naman si Marcos na ang isinusulong na running mate ni Marcos ay si Tito Sotto (MaSo).
Ang gulo nila, magulo pa sa bulbol Hehehe…
Obviosly, lahat ng ito ay para lamang makagawa ng ingay, ang mapag-usapan ang kanilang kandidato at makakuha ng boto sa ibang kampo. Mismo!
***
Nasa tandem na nga ng Leni-Kiko ang momentum ng kampanya para sa pagka-pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.
Kitang kita ito sa kanilang mga rali sa iba’t ibang lalawigan. Oo! Kung pagsama-samahin ang mga dumalo sa kanilang rali sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao at Luzon, hindi na bababa sa 10 milyon ang bilang na kakampinks.
Sa kanilang huling rali lamang sa Pasig City nitong Linggo ay halos 150,000 ang dumalo. Talagang nagkulay pink ang Emerald Avenue ng lungsod.
Tingnan natin ang rali ng Leni-Kiko sa Tarlac nitong Martes, kungsaan hindi pa isinasagawa habang isinusulat ko ang kolum na ito.
Ang Tarlac ito ay balwarte ng mga Aquino. At isa sa mga campaign manager ng Leni-Kiko ticket ay si dating Senador Bam Aquino, pinsan ni yumaong Pangulo Noynoy at pamangkin ni yumaong Cory Cojuangco-Aquino.
Ang kailangan ngayon ng isang presidentiable para manalo ay higit 16 milyon mula sa registered voters na higit 60 milyon.
Ang mahigpit na naglalaban ay sina Robredo at Marcos.