Advertisers
Advertisers
Advertisers
UMAABOT pala sa P328-bilyon ang di-pa-binabayarang utang ng pamilya Marcos sa mamamayang Pilipino, isiniwalat ni Aksyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel sa CNN Philippines’ The Source, Lunes, Marso 21.
Ayon kay Ramel, bukod sa P203-bilyong estate tax, hindi pa rin nakokolekta ng gobyerno ang P125-bilyong ‘ill-gotten wealth sa pamilya ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa kuwenta ni Ramel, kabuuang P328-bilyon ang utang na buwis ng pamilya Marcos.
Nangangamba si Ramel na mahihirapan nang makolekta ng gobyerno ang halagang ito, kung si Marcos Jr. ang mananalong pangulo sa Mayo 9, 2022.
Kaya inulit ni Ramel ang pakiusap ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga botanteng Pilipino na pag-isipang mabuti sa pagbotong pangulo kay Marcos Jr.
Sa presidential debate ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, inungkat ni Yorme Isko kung muling pinadalhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng ‘demand letter’ ang pamilya Marcos ukol sa di-pa-binabayarang estate tax.
Noong Disyembre 2021, pinaalaala ng BIR na dapat nang bayaran ng mga Marcos ang mga utang na buwis sa pamahalaan.
Kung sa loob ng limang taon, hindi nagpadala ng demand letter sa pagsingil sa utang na buwis, mawawala na ang pagkakataon ng gobyerno na makolekta pa ang utang ng mga Marcos.
Sabi ni Yorme Isko: “Five years thereafter, walang nag-follow up, wala na ‘yung P203 billion …, due for the state, due for every Filipino.”
Upang hindi mabalewala ang utang na P328-bilyong utang ng Marcos, ipinaalaala ng 47-anyos na kandidatong pangulo sa mga botante na isiping mabuti kung “anong uri ng karakter ang isang taong puwedeng mamuno sa atin na siya mismo ang hindi sumusunod sa alituntunin ng gobyernong kaniyang pamumunuan.”
Kung siya ang manalong pangulo, ipinangako ni Yorme Isko na kokolektahin niya at ipang-aayuda ang P203-B Marcos tax debt sa milyon-milyong Pilipinong pinerwisyo ng pandemyang COVID-19 sa loob ng mahigit na dalawang taon.(BP)
Next Post