Advertisers

Advertisers

P71-B COCO LEVY FUND IBABALIK NI ISKO SA MAGSASAKA

0 439

Advertisers

SA awa ng Diyos, kung mananalong pangulo, ipinangako ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ibabalik niya ang P71-bilyong Coco levy fund sa mahigit na 1.4 milyong magsasaka ng niyog sa buong bansa. 
 
“Nakakalungkot na halos nanilaw na ang papel ng mga coconut farmers sa tagal ng panahon, … hanggang ngayon ay di pa nyo nae-enjoy ang inyong benepisyo,” sabi ni Yorme Isko sa isang ambush interview nang mangampanya sa Lucena City sa Quezon nitong Lunes, Marso 21. 
 
Nakolekta ang Coco levy fund sa mga magsasaka noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na ipinangakong gagamitin sa mga programang pakikinabangan ng mga magsasaka ng niyog. 
 
Nangyaring ang pondo ay ginamit ng gobyerno sa pagbili ng malaking porsyento ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa pamamagitan ni San Miguel Corporation (SMC) chief Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr. – na kaibigang negosyante ni Marcos. 
 
Sa isang desisyong inilabas ng Supreme Court noong 2012, sinabi na ang bilyon-bilyong pisong ginamit ng SMC sa pagbili sa UCPC ay pag-aari ng mga magniniyog. 
 
Kasunod nito, pinagtibay ang Coconut Farmers Trust Fund Law at iniutos na ipamahagi na sa mga magsasaka ang kanilang benepisyo sa Coco levy fund. 
 
Ayon kay Yorme Isko, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko na kung siya ang manalo sa eleksiyon sa Mayo 2022, ipatutupad niya nang tama ang Coconut Farmers Trust Fund Law. 
 
“In this case kasi, ‘yung may mga batas na umiiral, I’ll make sure that these laws are being implemented properly at nakikinabang ‘yung mga taong dapat makinabang o benepisyaryo nung mga batas na ‘yun,” sabi pa ni Yorme Isko.(BP)