Advertisers
Hinamon ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate nang umiwas ang huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon.
Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa GMA News, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, CNN Philippines at Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado.
Sinabi ni Pacquiao na handa siyang makipag-debate kay Marcos kahit pa isa itong closed doors at ayus lang na i-reveal ang mga tanong at topics kung nais ni dating senator Marcos.
“Tama nga pala kay Napoles, kasali siya kay Npapoles, Alalahanin natin, may balita yata na P205 million,” wika ni Pacquiao, na tinutukoy ang halaga ng ‘misused government funds’ na nag-uugnay sa multi-billion peso pork barrel scam ng mastermind na negosyanteng si Janet Lim Napoles.
“Okay sa akin, mag-debate kaming dalawa lang. Tingnan natin kung ano ang plataporma niya, kung ano ang plataporma ko,” wika pa ni Pacquiao.
“Baka alanganin siya , baka marami nag-aattend ng debate. Baka mahiyain siya. One-on-one na lang, para malaman ng taumbayan ang plataporma ko at plataporma niya,” ayon kay Pacquiao, na isang eight-division world champion sa larangan ng boxing.
“Okay sa akin, mag-debate kaming dalawa lang. Tingnan natin kung ano ang plataporma niya, kung ano ang plataporma ko.”
Sa ngayon, tanging ang debate ng SMNI na pinamamahalaan ni Pastor Apollo Quiboloy — na nag-endorso kay Marcos — ang dinaluhan ni Bongbong.
Una nang sinabi ng kampo ni BBM na wala silang planong dumalo sa mga debateng pagsasabungin lang ang mga kandidato, at nais lang magtungo sa mga programang magbibigay sa mga kandidato ng sapat na oras para ipaliwanag ang kanilang mga plataporma.
“Ano bang plataporma ang gusto niyang marinig? Mag-attend siya ng debate para malaman din ng taumbayan kung ano ang plataporma niya,” sabi pa ni Pacquiao, na matatandaang bumuhay sa isyu ng korapsyon ni Bongbong kaugnay ng “pork barrel” scam.
“Lumaban nga tayo dito para sa mga Pilipino. handa tayong sagutin ang mga tanong na ibabato sa atin… kung ano ang plano natin sa taumbayan.”
“Karapatan niya iyon. Pero ang taumbayan ang mag-iisip noon, kung bakit siya tatanggi at bakit hindi niya sabihin ang plataporma niya,” dagdag pa ni Pacquiao.