Advertisers
MARAMING nagsitungo sa campaign headquarter ng isang kandidato sa pagkakongresista ng Distrito5 ng Quezon City dahil umano sa pera.
Dahil sa kagustuhang makakuha ng ipinamimigay na pera sa isang headquarters sa San Bartolome ng isang kandidato sa Quezon City, isang 60 anyos ang namatay sa pila habang naghihintay na matawag ang pangalan para sa ipinangakong pera.
Ayon sa mga kaanak, nang malaman ng lola na kinilalang si Ginang Emelita Deguangco, 60 anyos ng Pink Flamingo Rainbow Homes barangay San Bartolome Quezon City na may ipinamumodmod na pera sa mga tao ang headquarters ni QC 5th district Congressional candidate na si Rose Lin ay tinungo ito ng matanda ng walang kasama.
Sa naturang headquarters ay matagal na pinaghintay ang matanda sa gitna ng mainit na sikat ng araw ng tanghaling tapat.
Walang tubig na naipamimigay sa lugar at wala ding sapat na mga upuan para sa mga residente doon na tatanggap ng pera.
1:45 ng hapon nang isugod sa Novaliches District Hospital si Deguangco gamit ang van ni Rose Lin.
Una rito ay personal na inikot ni Rose Lin ang Rainbow Homes 1 para mamigay ng stubs para sa pamigay ng P500 hanggang P1,000 kasama dito ang biktima.
Sinasabing nang pumasok ang buwan ng Marso, makaraang makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa local court si Rose Lin ay nagsimula na itong magbigay ng pera palit boto sa mga residente ng district 5 sa QC sa mga itinalaga nitong headquarters sa lungsod.
Iniimbestigahan na kung saan nagmumula ang milyong pondong ipinamimigay sa mga taga district 5 sa araw araw ng mga headquarters ni Rose Lin .
Si Rose N Lin ay una nang ipinaaaresto ng Senado dahil sa pag isnab nito sa public hearing ng Senate Blue Ribbon Committee at sa hindi pagsagot sa mga tanong tungkol sa pangungurakot kaugnay ng anomalya sa Pharmally. Si Rose Lin na kaylan lang nanirahan sa QC ang isa sa umanoy may ari ng Pharmally na nagbenta ng overpriced na medical supply sa panahon ng pandemya sa bansa.
Iniimbestigahan na ng Comelec ang umanoy vote buying incident.
Bakit kaya itinago ng novaliches hospital ang record ng insidente at hindi ipinaalam sa qc police.