Advertisers

Advertisers

Barbie todo-deny na buntis, bagong baby na pang-forever ilalantad na

0 385

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SIMULA nang mag-split ang ex couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ay biglang nanahimik ang dalaga.
Tengga na nga lang daw ito sa bahay kaya nanaba at lumaki ang tiyan tsika pa ng mga Maritess.
Pero namataan naman ito ng source sa Batangas dahil nga sa paglobo raw ni Barbie ay mistulang preggy na ito.
Agad naman na itinanggi at pinabulaanan ang isyung pinagkakalat ng Maritess na dyontis ang dalaga.
Hindi at wala nga raw katotohanan ang nagkalat na tsika at busy nga lang daw si Barbie at dagdag pa ang kanyang pagbla-vlog.
Sa katunayan nga raw ay ilalantad at ipapakilala na nito ang bago nitong baby.
Ang baby nga raw na ito ay never siyang iiwanan at pang-forever at huwag nga raw mainip ang kanyang mga tagahanga at malapit na raw nito ipakilala ang bago nitong baby.
Samantala, madami namang kinilig na netizens sa palitan ng sagutan sa socmed nina Barbie at Diego. Nag-react ang ex bf ni Barbie sa post nito.
Sa post ng aktres ay hapit na hapit sa swimsuit ang sext body nito.
Dagdag pansin din ang kulay red na color ng hair ni Barbie na napa-react si Diego.
‘Ivy poison,’ ayon sa ex bf ni Barbie at sumagot naman ang aktres, ‘ako pala ‘yung sinayang mo Ha!Ha!Ha!’ reply ni Barbie sa komento ni Diego.
***
APPLE FAITH PASOK SA FILM NA TANGING HILING
ISANG magandang gift para sa anak nina Meriam at Edgar na si Apple Faith na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan lang.
May balita kasi na isa ai Apple Faith sa magiging cast ng true to life story na Tanging Hiling.
Kaya wala mang bonggang handaan dahil pamilya lang sila nag-celebrate ng kaarawan ni Apple Fairh kaya daig pa nito ang nakatanggap ng isang mahalagang regalo.
Napa-wow at na-excite si Apple Faith dahil ang pangarap nito na maranasan na mag-shoot ng film ay tila isang magandang pa-birthday sa kanya.
Hindi man siya bida sa Tanging Hiling ay magiging markado naman ang kanyang role at ‘di lang siya pang dekorasyon sa nasabing film ng MMA Film Productions.
Ibibigay raw ng dalaga ang kanyang best sa nasabing pelikula.
Hanggang ngayon ay ‘di pa makapaniwala si Apple Faith na pasok siya sa film ng MMA na Tanging Hiling.
Well, well, well…’Yun na!