Advertisers

Advertisers

Ceremonial turn over ng renovated Henry Sy campus isinagawa

0 255

Advertisers

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ceremonial turn over ng bagong renovate na Henry Sy campus bilang annex ng Unibersidad de Manila ni Hanz Sy anak ng pilantropo businessman Henry Sy.

Ayon kay Moreno malaking tulong ang annex building ng UDM na dating Fiate University para sa mga estudyanteng nangangarap na makapag-aral ng libre at makapagtapos ng may kursong makapag-aahon sa kanilang kahirapan.

Ngayon aniya dahil sa mahal ang tuition at krisis na nararanasan ng bansa maraming mag-aaral ang naglilipatan sa mga public school kung saan sa lungsod ng Maynila, ang PLM at UDM ang may libreng matrikula bukod sa mga benipisyo ng mga estudyante.



Giit ni Moreno ito na ang ginagawang paghahanda ng lokal na pamahalaang Maynila sa darating na demand para sa pagproduce ng mga skilled student, graduate mula sa institusyon para mag-compliment sa kakailanganing work force sa lungsod ng Maynila o saan mang bahagi ng bansa.(Jocelyn Domenden)