Advertisers
Advertisers
Advertisers
HINILING ng Aksiyon Demokratiko sa Commission on Elections (Comelec) na gamitin sa lahat ng rehiyon at lalawigan ang digital signatures sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022.
Sa sulat na ipinadala ni Ernest Ramel, chairman ng Aksyon sa Comelec, Marso 10, ipinakiusap na palawakin ang digital signatures at ‘wag lamang sa National Capital Region, Cebu City at Davao City.
Iginiit ng partido politika ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na dapat sundin ng Comelec ang mga probisyon ng Omnibus Election Code na iniuutos na inoobliga ang Board of Election Inspectors at ang Board of Canvassers na idaan sa digital signatures bago ipadala sa paraang elektoniko ang Election Return at Certificate of Canvass.
Binanggit din ng Aksyon na iniuutos sa Republic Act No. 9365 ang paggamit ng Philippine National Public Key Infrastructure digital signature sa darating na eleksiyon na may pagpapatibay mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nabatid na nitong Pebrero 9, 2022, inokeyan ng Comelec En Banc ang paggamit ng iButtons for digital signature para lamang sa Metro Manila, Manila, Metro Cebu, at Metro Davao, kasunod ng pagkabigo sa ginawang bidding procedures.
Kasunod nito, inirekomenda ng Comelec Advisory Council (CAC) na palawakin sa mga siyudad at mga rehiyon at lalawigan ang pamamahagi ng iButtons for digital signatures upang maiwasan ang anomalya sa eleksiyon at mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na matutunan ang paggamit ng nasabing teknoliya sa susunod pang mga eleksiyon.
Sa sulat ni Ramel, inihayag na buo ang suporta nila sa rekomendasyon ng CAC na ikalat ang DICT’s Mobile Security Operations Center sa lahat ng Comelec Transparency Server upang maiwasan ang hacking incident na nangyari ilang linggo bago ang eleksiyon noong 2016.(BP)
Prev Post