Advertisers

Advertisers

Ekonomiya sa loob ng tahanan, prayoridad ni Isko ‘pag naging Pangulo!

0 206

Advertisers

EKONOMIYA sa loob ng tahanan.

Ito ang siyang magiging prayoridad ni Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno, kapag siya ang nahalal na Pangulo sa eleksyon sa Mayo.

Sinabi ni Moreno na ang buhay at kabuhayan ang patuloy niyang magiging prayoridad sa unang dalawang taon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa at ito ay sa kabila ng katotohanang mananatili pa rin ang pandemya sa bansa sa mga darating na buwan o ilan pang taon base na rin sa pahayag ng mga eksperto sa bagay na ito.



Sinabi ng alkalde na ang estado ng ekonomiya ng bawat pamilyang Filipino ay dapat na bigyang prayoridad dahil dito umiikot ang lahat.

“Ekonomiya sa loob ng tahanan ng bawat pamilyang Pilipino.. ‘yun ang tunay na magandang ekonomiya. Life and livelihood ang ating prayoridad,” sabi ni Moreno.

Sinabi din ng alkalde na upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa ay tututukan niya ang agrikultura.

Ipinaliwanag ni Moreno na sa kanyang mga campaign sorties sa buong bansa, ay napuna niya na nakaligtaan na ng gobyerno ang mga magsasaka na siyang pangunahing dahilan kung bakit tayo may pagkain sa hapag kainan.

“Dapat po mamuhunan tayo na payabungin ang katayuan ng magsasaka. Sa pag-ikot-ikot ko sa buong Pilipinas, nakita ko po talagang medyo napapabayaan na natin ang ating magsasaka na nagbibigay ng kapanatagan sa atin dito na makakain at may tamang makain at murang makakain,” ayon kay Moreno.



Binanggit pa ni Moreno na ang pinakamahalagang ekonomiya ay ang “ekonomiya ng sikmura” ito ay sa kabila ng patuloy na pakikipagharap ng bansa sa COVID-19 pandemic.

“I do believe that if we invest in post-harvest facilities and look into ‘yung presyo ng ating fertilizer, masyado na yata nating hindi pinapansin. Ang pagbababa ng presyo ng krudo na ginagamit din nila sa pag-produce ng pagkain na siyang nagbibigay ng kapanatagan sa bawat Pilipino,” sabi pa ni Moreno.

Ang nasabing pahayag ay ginawa ni Moreno dahil na rin sa suliraning dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga fertilizers na ayon sa kanya ay hindi nabigyan ng tamang atensyon.

“Umasa kayo mga kababayan. ‘Yung isang pamilyang me utang na P203 bilyon sa excise tax, sisiguraduhin nating sisingilin ko po ‘yun, kukunin ko, ibibigay ko sa mga magsasaka at mga driver na talagang nangangailangan ng ayuda sa ngayon,” pagtatapos nito. (ANDI GARCIA)