Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “ … Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin…” (Roma 8:28, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
IWANAN SA ERE: Mukhang ayaw talagang tantanan si Caloocan Congressman Egay Erice ng isyung pagkakasangkot sa droga ng kanyang anak na si Egay Erice, Jr.
Sa kabila ito ng pagtatwa nito sa kanyang anak nang sumabog ang balita na pagkakahuli sa isang buy bust operation.
Sa ganang akin, kahit na palihim niyang binigyan ng abogado ang kanyang anak na si Egay Jr., bakit itatwa nito ang kanyang anak sa halip na turuan? Dahil ba makakasira ito sa ambisyong politikal ng matandang Erice?
***
Nakakalimutan yata ni Cong. Egay na nag-a-apply siya na maging ama ng lungsod na may 1.7 milyong mamamayan. Ganitong klase ba ng ama ang karapat-dapat sa mga mamamayan ng Caloocan?
Hindi na nakakapagtaka sapagkat kilala naman talaga itong si Congressman Erice na nang-iiwan sa ere at kumakalaban sa mga dating kasamahan.
Halimbawa na lamang ang ginawa niya kina Asistio, Malonzo, Echiverri, Malapitan, at maging kay yumaong Pangulong Noynoy Aquino na sinisi niya sa pagkatalo ni Mar Roxas. Pati si Madam Leni Robredo, hindi sinanto at iniwan sa ere para sumama kay Yorme Isko Moreno.
***
Talagang napakaraming ibinunyag na maling kalakaran at mga itinatagong baho ng Oplan Tokhang ni Pangulong Duterte! Maiisip ba ng mga Pilipino na napakarami palang pulitiko ang sangkot sa droga? Kaya kudos sa Pangulo na kahit inuulan ng batikos, tuloy lang ang trabaho.
Kung iisipin, maswerte pa rin itong si Cong. Egay dahil hindi benggatibo itong si Pangulong Duterte sa kabila ng mga ginawa at paninira nilang mga taga-Liberal kay Pangulong Digong noon! Kung maiba-iba ;yan, eh hindi natin alam kung saan pupulutin si Egay Jr. at ang kasamahan nito drug pusher din na si Rafael Alberto o alyas Biboy.
***
Sa aking pagkakaalam may 4 na taon nang nabubulok sa kulungan si Egay Jr., ngunit hindi kaya muli itong mamayagpag sa pagtutulak ng ilegal na droga kapag nanalo ang kanyang ama sa lungsod ng Caloocan sa darating na May 9 polls?
Sana lawakan ng mga taga-Caloocan ang kanilang mga pag-iisip sa pagpili ng kanilang iluluklok na susunod na alkalde ng lungsod.
***
Posibleng kapag dumating ang kagipitan, baka gawin din nitong matandang Erice na iwanan sa ere ang mga mamamayan ng Caloocan dahil nagawa nga nito sa kanyang anak sa ibang tao pa kaya?
***
Paulit-ulit na nating naririnig na droga ang sumisira sa pamilya, buhay at kinabukasan ng kabataan. Kaya laking pasasalamat natin kay Pangulong Duterte na patuloy nitong sinusugpo ang talamak na droga sa ating bansa kahit na matatapos na ang kanyang termino ngayon taon.