Advertisers

Advertisers

‘Hindi kami bayaran’

0 1,780

Advertisers

ILANG araw bago payanigin ang Pasig City, naghanda ang mga Kalimbahin sa iba’t ibang dako ng kalakhang Maynila . Nag-usap sa pamamagitan ng iba’t – ibang medium upang ipabatid na may magaganap na sorpresa sa kakampink maging sa mga katunggali nito sa halalan. Nariyan ang mga kaibigan na nagtatanong sa sukat ng T-shirt na ibig at mukhang mamimigay ng libre sa mga kakampink. Nariyan ang ibang kaibigan na nais magkita-kita ng makipagpalitan ng kwento sa mga pangyayari sa buhay. Nariyan ang mga kakilala na biglang bumisita at nagyayaya na magkita sa araw ng Linggo sa ganun ding layon, ang magkwentuhan. At meron na nagsasabing may pagtitipong magaganap sa Pasig, na kung gustong masilayan ang kampanya ng politika na bibigla sa mga manghahalal na taga kalakhang Maynila.

Walang patid ang imbitasyon o pang-eenganyo’t sa loob ng buong linggo, hindi lang sa isang tao, grupo, iba – iba na masidhi ang pagnanais na makarating ang sino mang hinihikayat na makarating sa pagdadausan. Walang pilitan sa panghihikayat ngunit mababatid na mataas ang paninindigan na dito magsisimula ang pagbabagong nais ng bawat Pilipino na umaasa sa pag-angat ng buhay at kabuhayan. Malinaw na may nagaganap na pagbabago at ang maging bahagi nito’y ikinagagalak ‘di lang pansarili sa halip ito’y pambayan. Ang maganda, walang pangako na magkakaabutan ng pera, sa halip ang inimbitahan ang mag-aambag para sa t-shirt na nais para sa pagbabagong ninanais.

Batid na ang panghihikayat ay sagot sa naganap na pagtitipon ng kalimbahin sa katimugang Luzon na nagsabing bayaran ang mga nagsisama sa pagtitipon. Hindi ibinabangon ang sarili, ngunit ibig patunayan na kusang loob ang pag-aambag at ang oras na ibibigay. Na ang tanging layon ng sabay sabay na pag-angat ng kabuhayan ng Pilipino..



Sa panghihikayat ng pagkikita ng mga batchmates ng sekondarya o high school, nagkita na ang mga ito sa araw pa lang ng Sabado. Nariyan na nagpapalitan na ng mga bidahan kung nasaan sa kasalukuyan, trabaho, kabuhayan at mga narating. Malinaw na sabik na makarinig ng mga pag-unlad sa buhay ng mga magkakaklase mula ng maghiwalay sa high school. Ang kasabikan sa magandang balita’t itutuloy sa kinabukasang muling pagkikita at maaaring may nadagdag na batchmates.

Ngunit hindi na pagbibida sa sarili, sa halip ito’y pagbabahagi ng natamo sa buhay ng ibang kababayan na makikinig sa istorya ng bawat isa. At sa pagbabahagi ng karanasan sa buhay, nariyan na ibig malaman ang ibang karanasan na kapupulutan ng kaalaman. Ang pagbabahagi ’y isang magandang paraan upang kung may paghugutan sakaling humarap sa kaparehong sitwasyon. At ang tamang tugon sa sitwasyon ang magawa ng matiyak na hindi magkakamali o sala. Salamat sa volt-in kwentong kapupulutan ng aral.

Sa araw ng Linggo, Marso 20, 2022, ang sorpresang sinasabi’y tunay na nakagulat sa marami dahil umaga pa lang, napakarami na ang mga taong makikita sa lugar na pagdadausan ng pagtitipon ng kalimbahin na magpapabago sa katayuan ng buhay at kabuhayan ng mamamayan. Iba’t – ibang grupo ngunit iisa ang kulay at nais, ang pagbabago na may pag-angat sa buhay at kabuhayan ng bawat anak ni Mang Juan. Ang kagandahan, ang ‘di magkakakilala’y nag-usap at umaasa na ang pagkikita’y ‘di lang sa araw na iyon sa halip masusundan maraming ulit. Masayang nagkakapalitan ng kuro kuro lalo’t nabangit na kusa ang pagtungo sa pinagkitaan. Walang bagaheng dala at ‘di lang nasiyahan na kausapin ang mga kasama bagkus ang makilala at makausap ang ibang nakadaupang palad ay kasiyahan lalo’t iisa ang layon.

Habang palalim ng palalim ang araw parami ng parami ang nagdadatingan na parang alon ng kalimbahin ang bumaha sa kalye ng Ortigas. Malinaw na ang boses ng isa’y boses ng marami na naghahanap ng pagbabago o pag-unlad dahil sa kasadlakan na naranasan sa loob ng halos anim na taon na ibig ituloy ng buktot na katunggali. Sa totoo lang, hindi agaran ang paghahanap ng pagbabago at pagbangon, ang pag-asa ang pinanghahawakan na sa bagong lideratong may utak at puso sa tao ang pangunahing dahilan ng pagtungo sa pagtitipon. At sa hinaharap, dadalhin ang grupo ng kalimbahin upang ipanalo sa halalan upang maging makatotohanan ang pangarap sa hinaharap.

Hindi mapigil ang pagdagsa ng mga taong naghahanap ng progreso, ang target na 100K, tila isang pitik na nilagpasan. Patunay ang pagdami ng kakampink lalo’t ng nagsisimulang magsalita ang mga kandidatong senador na nagbigay ng maikling mensahe. At sa pagdating ng abalang pangulo, lalong humataw ang dami na umabot sa 150K na kakampink, na nagpapahayag hindi bayad o nabayaran.



Malinaw na kusa ang pagtungo ng mga kalimbahin ang pagtungo sa Pasig at walang tinanggap ni isang kusing sa sino man. Sa halip, ang mga nagtungo sa pagtitipon ang sa payanig sa Pasig ang nagluwal ng sariling pera upang ipantustos sa maghapon hangang gabing gawain. Inabutan man ng pagdilim ngunit maliwanag na ang mga ito’y handang maglaan o magluwal ng sariling pondo para sa pagbabago. Pagbabago para lahat at walang iiwan, maging kakampink o sa kabilang bakod ng politika, ito’y para sa lahat ng Pilipino. Buhay ang pag-asa na siyang kinakapitan para sa kinabukasan. At ang nasimulang nagawa ng payanig sa Pasig ay magpapatuloy sa iba’t – ibang dako ng kapuluan, pag-asa sa bawat Pilipino na sabay-sabay aangat ang kinabukasan ng buhay.

Silipin ang kinabukasan pagkatapos ng payanig sa Pasig, patuloy na bumabaha sa social media ng mga post kung saan, nagpapahayag ang mga dumalo ng kasiyahan sa naganap at napakarami ang nag LIKE sa Payanig sa Pasig. Malinaw na ipinaabot sa gustong paabutan ng mensahe na hindi huwad ang dami ng mga dumalo at maging ang extreme media ang magpapatunay sa dami ng mga taong kusang dumalo at hindi hakot. Ang pagsusug sa kaganapan sa isang bayan sa katimugang Luzon, Bacolod, Basilan, Zamboanga at iba pang lugar sa bansa ay patunay na sa huwad na survey lang nangunguna si Boy Pektos.

Sa katotohanan at bilangan ng mga katawan ng mga dumadalo sa pagtitipon ng kalimbahin, pinabulaanan na ang survey ng False Asia, SaWiSi, OCTArts at iba pang bayarang grupo’y hindi titindig sa dami ng pumupunta sa campaign rally ng kalimbahin, ito’y kusa’t hindi binayaran.

Sa dami ng mga dumalo sa kaganapan noong Lingo, malinaw na kailangang paigtingin ang pagbabantay sa maaaring maganap na dayaan sa darating na halalan. Walang puwang na magsaya ang kalimbahin dahil sa aga ng pahayag ng mga kasama ni Boy Pektus na nagkaroon ng dayaan sa araw ng halalan at sa mga araw ng bilangan. Sila ang naka-upo sa pwesto ang madadaya? Silang nagtalaga ng mga tumatao sa COMELEC ang unang pumutak ng dayaan. O’ nagpapaabot ng mensahe na sa dami ng tao sa campaign rally ng kalimbahin, pero hindi ang COMELEC. Sa pagsigaw ng Bayan na hindi sila bayaran ang mapanghahawakan sa darating na halalan at bilangan . Tatalasan ang pagbabantay, hindi magpakampante. Batid na may mahikang nakaabang ang kadiliman upang maipanalo ang laban lalo’t kinabukasan ang nakataya. Ipagpatuloy mga kalimbahin ang pagiging alerto 7/24 higit sa araw ng halalan at bilangan.. Mabuhay ang Kalimbahin..

Maraming Salamat po!!!