Advertisers

Advertisers

ISKO: ITUTURO NATIN STEM COURSES MAPAUNLAD ANG AGRIKULTURA

0 531

Advertisers

KAILANGAN nang maituro sa mga estuyante sa agrikultura ang STEM Course upang makasunod sa makabagong teknolohiya ang Pilipinas. 
 
“Mag-i-invest tayo sa STEM, let’s move forward, kailangan mag-catch-up tayo, para ang ating mga kababayan ay maging competitive sa mundo,” sabi ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa ginanap na Comelec Presidential Debates nitong Sabado, Marso 19. 
 
Tumutukoy ang STEM sa Science Technology, Engineering, and Mathematics, na ayon kay Yorme Isko ay gagawin niyang STEAM o ScienceTechnology, Engineering, Agriculture, Mathematics. 
 
Gamit ang siyensiya, makabagong teknolohiya, maaarmasan ng maraming kaalaman ang mga estudyante sa agrikultura na sila naman ang aalalay at tutulong sa mga magsasaka magkaroon ng masaganang ani na magbibigay ng seguridad sa pagkain ng mamamayang Pilipino. 
 
Kung siya ang pangulo, sinabi ni Isko na mamumuhunan siya sa mga state universities na may kurso sa agrikultura. 
 
“Dahil sa pandemyang ito, tinuruan na tayo na maging maingat at mag-produce ng sarili nating pagkain, ‘wag tayong umasa sa mga imported food products. We have to be food sufficient,” sabi ni Yorme Isko
 
Aniya, kailangang ihanda na ang mga estudyante sa larangan ng siyensiya, teknolohiya at makabagong sistema ng agrikultura. 
 
“’Yan po ang aking plano, mga kababayan,” pangako ni Yorme. 
 
Tungkol sa panukalang 4-Day work week, sinabi niya na depende iyon sa klase ng industriya at uri ng trabaho. 
 
Kung BPO (Business Process Outsourcing, pwede ang isang araw na trabaho sa bahay pero mahirap na gawin sa mga pabrika, impraestruktura na kailangan na naroroon mismo sa lugar ng trabaho ang isang manggagawa. 
 
Aniya pa, ikakalat niya sa mga rehiyon at lalawigan ang mabilis na kilos ng industriya, negosyo, impraestruktura at pamumuhunan upang mabilis na makabangon ang buhay at kabuhayan ng bansa na hanggang ngayon ay sinasalanta pa ng pandemya at ng mga nakaraang kalamidad at sakuna. (BP)