Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TINANONG namin si Jeric Gonzales kung ano ang naramdaman niya noong nanalo siya bilang Male Acoustic Artist of The Year sa 12th Star Awards for Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club) noong November of last year para sa kanta niyang Taksil na sa ilalim ng GMA Music?
Iyon ang pinakaunang award ni Jeric bilang singer.
“First award ko siya and masayang-masaya naman ako at na-appreciate ako at nabigyan ng recognition ng PMPC, of course.
“Bata pa lang talaga ako kumakanta na ako, tumutugtog na ako so masayang-masaya ako na napansin nila yun, napansin nila.”
Bukod sa masaya siya, ano ang pakiramdam ng may award na siya sa music? Na hindi lamang siya kinikilala bilang artista, bilang actor, kundi bilang isang mang-aawit?
“Very proud talaga ako sa sarili ko and then worth it talaga yung paghihintay kasi may ibang single na rin naman ako na na-release and then itong last ko na-recognize nila ako so I’m very grateful talaga and blessed.
“And nai-inspire talaga ako na isa ako dun sa mga dapat na kumanta, na gumawa pa ng ibang songs, para mag-compose.
“So parang ganun, na-inspire talaga ako.”
Bago ang pandemya, uso na kapag may bagong kanta ang isang artist ay may mga mall tour at mall shows.
Nahinto nga lamang ito dahil sa banta ng panganib ng COVID-19.
Ngayong medyo lumuluwag na ang quarantine restrictions, isasalang na na ba si Jeric ng GMA Music sa mga perfomances sa malls?
Lalo pa at may bago siyang single, ang Hihintayin Kita sa ilalim ng GMA Music na theme song ng pelikula ni Jeric na Broken Blooms, ang nag-iisang Filipino film na napili upang ipalabas sa 41st Oporto International Film Festival sa Portugal.
“Right now, more on ano pa rin siya, online pa din siya, lahat ng promotion namin. Pero I’m hoping na since nag-alert level 1 na tayo… excited na din ako, e!
“Na bumalik yung dati, yung mga mall shows, kasi ang saya nun! Yung mga tour ganun, sa radio, and sa lahat ng mga TV and radio stations, parang ganun.”
Ang Broken Blooms ay sa direksyon ni Louie Ignacio na siya ring sumulat ng Hihintayin Kita at director din ng music video ng kanta ni Jeric.
Bukod kay Jeric ay nasa Broken Blooms sina Therese Malvar at Royce Cabrera.
Sumusulat si Jeric ng mga kanta; kung sakaling gagawa siya ng kanta para sa sarili niya, ano ang kuwento nito at titulo?
“Kung gagawa ako ng kanta, I think siguro it’s about ano pa rin, patience pa rin kasi marami pa akong gustong gawin dito sa industry.
“I believe na there’s a lot of ano, parang naghihintay dito sa akin sa industry.
“So parang kung bibigyan ko siya ng title, parang ano… siguro, go on, parang ganun.”
Nag-suggest kami kay Jeric na “Maghihintay Ako” ang gamitin niyang titulo, na sinang-ayunan niya.
“Siguro ganun, more on inspiration siya, more on inspiration pa rin yung song na gagawin ko.”
Isa pang update sa career ni Jeric ay ang pagkakasali niya sa cast ng Philippine adaptation ng South Korean series na Start- Up kasama nina Bea Alonzo, Alden Richards at Yasmien Kurdi.
***
ANG “harapang tatapos sa lahat ng harapan.”
Ganito inilalarawan ng GMA Network ang “Debate 2022: The GMA Presidential Face-Off” sa 24 Oras reveal nito nitong Lunes. Sa April 30 ang airing date ng nasabing debate–sakto sa nalalapit na May 9 presidential elections.
Sina GMA News pillars Mike Enriquez at Mel Tiangco ang magsisilbing panelists habang ang kapwa nila pillar na si Vicky Morales at veteran broadcast journalist na si Pia Arcangel ang tatayong moderator sa paghaharap ng presidential candidates.
Tiyak na tututukan ito ng viewers lalo na’t ang Kapuso Network–na subok na pagdating sa mga debate at interbyung walang kinikilingan–ang maghahatid nito. Di ba nga’t ilang araw na pinag-usapan ang presidential interviews ni Jessica Soho nitong Enero? Ang tanong ngayon, sinu-sino kaya ang kakasa sa hamon ng debate ng GMA? Abangan!
***
SUCCESSFUL ang ‘Limitless Live!’ ni Julie Anne San Jose nitong Linggo, March 20. Sa Instagram noong Lunes, nag-post si Julie Anne ng photos mula sa kanyang concert na ginanap sa Sunlife Amphitheater sa Bonifacio Global City.
Limited seats lang ang event kaya naman intimate ang naging set-up following safety protocols.