Advertisers

Advertisers

Lloydie at Aga ‘di feel gumanap sa biopic ni Pastor Quiboloy

0 193

Advertisers

Ni BETH GELENA

SA sobrang kasiyahan ay agad na ipinost ni Angelica Panganiban ang resulta ng kanyang pregnancy test.
Napaiyak ang aktres nang makitang doble ang guhit ng pregnancy kit.
Kasama ang kaibigan na si Alora Sasam sa paghihintay niya ng resulta.
Napaiyak si Angge nang malamang positive ang pregnancy test.
Aniya: “Gusto ko ‘to pero natatakot ako, sh*t kaya ko ba?”
May post pa siyang,.”Kaya ko bang palakihin si bagets?” to which the people around her said yes.
“Congratulations madam!!! Isang karangalan na mapasama sa araw na nalaman mo ang napakasayang blessing na ito,” sambit naman ni Alora.
Ang daming congratulatory note na natanggap si Angge mula sa mga kapwa celebrities.
Ang tanong naman ng mga netizen, “kelan kaya sila magpapakasal ng ama ng kanyang first baby, Gregg Homan”
“WEDDING SOON FOR ANGGE”
***
MAY nakaamba palang proyekto ang producer ng Borracho Films, si Atty. Ferdinand Topacio para sa aktor na si John Lloyd Cruz.
Gagawin nila ang Quiboloy biopic na si JLC ang gusto nilang gumanap.
Umaasa silang tatanggapin ng actor ang kanilang alok at willing daw silang maghintay kung kelan ang free time ni Lloydie.
Willing silang mag-adjust sa schedule ng aktor para lang matuloy ang pagbibida sa matagal nang pinaplanong biopic ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ang tanong, tatanggapin naman kaya ni Lloydie ang project?
Ipinadala na umano kay Lloydie ang storyline pero ang nakarating na sagot sa kanila ay malabong gawin ito ng aktor dahil hindi tutugma sa kanilang schedule.
Ayon sa atorni producer, “JLC is still being considered subject to his schedule, although nothing is final.
“Inurong na po namin ang principal photography to October or November para mas mahaba ang pre-production, as we in Borracho Films have always believed that a thorough pre-production is the key to a trouble-free principal photography and post-production.”
Inalok din daw ang aktor na si. Aga Muhlach pero hindi raw nila kinaya ang ibinigay na talent fee na parang presyong ayaw daw tanggapin.
Kinonsider din daw nila si Carlo Aquino at Paolo Contis if hindi nga tatanggapin ni JLC ang offer.
***
HIPON GIRL MARAMING INSECURITIES SA SARILI
SA isang panayam, nasabi ni Herlene Budol a.k.a. Hipon oirl na marami siyang insecurities sa buhay.
Naroong napsgkakamalan siyang bakla dahil sa kanyang hitsura.
“Saka dati talaga yung whole face ko. Dati nung walang nagsasabi sa akin na maganda ako, nung dating binu-bully ako. Ngayon na-accept na siya ng tao, nai-immune na lang kayo.”
Ibinahagi rin niya wala siyang kumpiyansa sa sarili dahilan para madalas siyang I-bully.
Pero, alam nyo ba na kahit nabu-bully si Hipon Girl dahil sa kanyang hitsura ay naging beauty queen siya?
“Bb. Angono ng Sining 2017 ako, pero sinabi ko dati na first and last ko na dahil dun ako na-bully talaga.
“Sabi ko, ‘Ay, pinahirapan niyo ako na kunin ang tatlong libo ko, ayoko na.’”
Nakatulong nang malaki kay Herlene para mawala ang insecutities sa sarili ay nang sumali siya sa programa ni Willie Revillame, ang Wowowin sa segment nitong Miss Bikini Open.
Kuwento niya sa programa kung bakit hipon girl ang tawag sa kanya.
Aniya, maganda nga raw ang kanyang katawan pagdating naman daw sa fez niya ay kaali-alipusta na mukhang hipon.
Nagustuhan ni Kuya Wil ng sense of humor ni Herlene at kinuha siya nito para maging co-host ng peograma.
And luckily, ito ang naging daan para makilala si Herlene sa showbiz bilang si Hipon Girl.