Advertisers

Advertisers

MRT 3 mas pinahaba, mas pinabilis… BONG GO: MGA PROYEKTO NI PRRD, LAHAT PARA SA KAGINHAWAHAN NG FILIPINO

0 396

Advertisers

IPINAGMALAKI ni Senator Christopher “Bong” Go na ang lahat ng ginagawang proyekto ni Pangulong Duterte ay lahat para sa kaginhawahan ng mga Filipino, lalo na sa pagbibiyahe, gamit ang pampublikong transportasyon.

Ginawa ni Go ang pahayag kasabay ng pinakabagong pagsisikap ng gobyerno na i-upgrade ang imprastraktura ng pampublikong transportasyon sa isang seremonya sa bagong rehab na Metro Rail Transit Line 3 sa Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong City noong Martes, Marso 22.

Kasama ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte na nanguna sa unveiling ng marker ng proyekto na magbibigay sa commuters ng mas mabilis, mas mahusay at mas maaasahang serbisyo ng riles.



Ang yugto ng rehabilitasyon ay nagsimula noong kalagitnaan ng 2019 at natapos noong huling bahagi ng 2021. Ang P17.74-bilyong proyekto ay pinondohan ng isang Official Development Assistance grant mula sa gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency na nilagdaan noong 2018.

Dahil sa rehabilitasyon, maaari nang umabot sa 60 kilometers per hour (kph) ang takbo ng tren mula 25 kph habang ang pagitan ng arrivals ay mababawasan mula 8 hanggang 10 minuto hanggang 4 minuto na lang.

Nadagdagan din ang bilang ng mga bagon sa bawat yunit ng tren mula 12-15 hanggang 18-22.

Bukod dito, iniulat ng Department of Transportation na lahat ng elevator at escalator ay operational na. Ang mga insidente ng unloading ay nabawasan mula sa buwanang average na 45 na insidente mula Enero 2016 – Nobyembre 2017 hanggang 1.6 na insidente mula noong Mayo 2019.

Sa isang mensahe, malugod na pinuri ni Go ang Pangulo sa utos nito na ang lahat ng sakay sa MRT ay magiging libre mula Marso 28 hanggang Abril 30, 2022. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pampublikong transportasyon sa pagpapalago ng ekonomiya at nagpahayag ng kumpiyansa na ito ay mapapabuti ang sistema sa benepisyo ng mga tao at negosyo sa buong rehiyon.



“Dahil sa mga proyektong ito ng gobyerno, naisasakatuparan natin ang pangako ng Pangulo na mabigyan ng mas komportableng buhay ang mga Pilipino. Mababawasan ang hirap ng mga kababayan natin dahil mas mabilis at maayos ang kanilang biyahe,” sabi ni Go, vice chair ng Senate Finance Committee.

“Ramdam talaga ng ating mga kababayan ang ginhawa na dala ng mga bagong imprastrakturang ito. To sustain these gains amidst the unprecedented challenges caused by the COVID-19 pandemic, all we need to do is to continue to enforce, implement and improve these projects for pakinabang ng sambayanang Pilipino,” dagdag niya.

Sinamahan ni Go sina Pangulong Duterte, Secretary Arthur Tugade at iba pang opisyal sa pagsakay sa tren mula Shaw Boulevard Station hanggang Santolan Station, vice versa, pagkatapos ng seremonya.

Sa kanya namang talumpati, muling idiniin ng Pangulo ang pangako ng kanyang pamahalaan sa pagtiyak na ang mga pangunahing pamumuhunan sa imprastraktura ay pananatilihin upang makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa. Nangako siya na pananatilihin ang momentum upang matamasa ng commuters ang mas magandang karanasan sa pampublikong transportasyon sa bagong normal.