Advertisers

Advertisers

Rayver proud sa husay ng labs na si Julie Anne

0 384

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KUNG maraming humanga kay Julie Anne San Jose sa matagumpay niyang trilogy concert na “Limitless,” super proud naman sa kanya ang rumored boypren na si Rayver Cruz.
Hindi na nga itinago pa ni Rayver ang kasiyahan at pagmamalaki na nararamdaman kay Julie Anne sa katatapos na trilogy concert.
“I’m really proud kasi hindi biro ‘yung gumawa ka ng tatlong parte na isang concert and only she can do those kinds of things and limitless siya talaga. So madali lang for her ‘yung mga ganu’n. Nakaka-proud,” say ni Rayver.
Sa ginawang pagsagot na ito ni Rayver ay parang pinatunayan na rin niya ang naunang rebelasyon ni Julie Anne na special someone niya ang aktor at masaya sila pag magkasama, na magsyota na talaga sila at pag-amin na lang mula sa kanilang dalawa ang kulang para maging opisyal.
“Ano man ‘yung sweetness na nakikita nila, lumalabas, dahil ‘yun sa pagka-comfortable namin sa bawat isa. ‘Yung bond na meron kami parang, ewan ko, iba eh.
“What you see is what you get, so kung ano man ‘yung makita nila ‘yun naman ‘yun eh. We’ll see,” dagdag na sabi pa ni Rayver.
***
SHERYL NAALALA ANG KABATAAN SA MGA YOUNG LOVETEAM NA KASAMA SA SHOW
HAPPY si Sheryl Cruz sa pagkakataon na binigay sa kanya na mapasama sa highest rating afternoon serye ng Siyete, ang “Prima Donnas 2”.
Enjoy si Sheryl sa mga teenager na cast, as in may mga kanya-kanya na ngang loveteam ang mga ito. Sila ay sina Sofia Pablo and Allen Ansay, Althea Ablan and Bruce Roeland, at ang love triangle naman nina Jillian Ward, Will Ashley at Bruce Crisostomo.
Say nga ni Sheryl, nagbabalik alaala sa kanya ang ‘That’s Entertainment’ days niya na may kanya-kanya rin silang mga ka-loveteam tulad nina Tina Paner at Cris Villanueva, Lotlot de Leon at Ramon Christopher, Manilyn Reynes at Janno Gibbs, at marami pang iba.
“Naku, lahat sila, nakakatuwa. It brings back memories of my own teen years. May kanya-kanya na rin silang loyal fans who watch them on Tiktok and their other social media accounts. Bawat love team naman, may kanya-kanya silang katangian why their fans support them.
“I remember our fans then rooting for us tuwing may show kami. Bawat love team, may sariling group of fans at kung minsan, nag-aaway pa yung iba,” say ni Sheryl.
Ano naman kaya ang kaibahan ng fans nila noon sa fans ng mga bagong henerasyon na labtim sa ngayon?
“Ngayon kasi, they follow their favorite stars na lang on Youtube, or on Instagram or Facebook. Lalo na nang nagka-pandemic, bawal na ang face to face contact kaya bawal ang fans day at magpa-selfie. You can just communicate with your idols online sa sariling accounts nila. Even the fan based abroad can say hello to you and send you their messages,” dagdag na say ni Sheryl.