Advertisers

Advertisers

Angelica nangangamba kung kakayaning maging ina

0 448

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

OPEN book ang pagbubuntis ni Angelica Panganiban sa panganay nila ni Gregg Homan.
Isang malaking biyaya kung ituring ni Angelica ang ‘di nito inaasahang pagdadalantao.
Halos mabaliw at excited naman si Angelica sa good news na natanggap.
Kaya naman ang mga kaibigan na sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Anne Curtis at Dimples Romana na preggy rin sa ikatlong baby ay nag-post ng Congratulations kay Angelica.
Ngayon alam na this kung bakit ni-reject nito lahat ng offers dahil pala sa unang bunga ng kanilang pqgmamahalan ni Gregg.
Pero may takot at pangamba pala si Angelica sa kanyang ipinagbubuntis. Takot in a sense na kaya raw ba niya magpalaki ng bagets?First time Mommy siyempre nangangapa pa kaya for sure binigyan siya ng advise ng 2 moms friend nito na sina Anne at Dimples na mga momshie na.
Hands on kaya na magiging full time si Angelica sa first baby nila ni Gregg kahit may yaya?
***
Carlo at Paolo next target o second choice para sa bio film ni Quiboloy
NAKAUMANG pa rin daw ang offer kay John Lloyd Cruz para sa biofilm ng religious leader na si Pastor Quiboloy.
Hectic daw kasi ang skedyul ni Lloydie o gusto rin magtaas ng talent fee kaya ‘di pa ito umo-’oo’.
Top choice rin si Aga Muhlach pero ‘di kinaya ang taas ng TF.
Kaya naka-hang pa kung igra-grab ni Lloydie ang offer para gumanap sa true to life story ni Quiboloy.
Kundi naman daw available ang 2 na top choice para sa role ng pastor, may option pa sila na 2 aktor pa para pagpilian.
Next target daw ay sina Carlo Aquino at Paolo Contis. Well, well, well…’Yun na!