Advertisers

Advertisers

Arci gaya-gaya kay Heart sa pagrampa sa mga fashion week sa abroad

0 405

Advertisers

Ni BETH GELENA

AFTER New York Fashion Week, heto at rarampa na naman si Arci Muñoz sa LA Fashion Week.
Post ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account ang screengrab photo niya habang naglalakad sa runway for LAFW.
Nilagyan niya ito ng caption address to her mom.
“Ma! Look! Your daughter opening LA Fashion Week in a Kenneth Barlis [dress].”
Prior sa second fashion week stint ni Arci, kamakailan lang ay inintroduce siya bilang cover girl ng Now, ang LA-based magazine, for the month of March.
Ilang buwan na ring nasa Amerika ang Kapamilya actress at feeling namin mukhang i-invade niya ang Western country.
So far, habang wala pang right project sa dalagang aktres at loveless din naman siya as of the moment, bakit nga ba hindi niya kunin ang pagkakataon kung may mga offer na dumarating kahit siya ay nasa malayong bansa.
Sabi nga ng isa niyang folower sa IG, “gogogo AM while the iron is hot.”
Isang intrigera naman ang nagsabing, “ginagaya lang naman niya si Heart Evangelista, pero wala pa rin siya sa tinamong kasikatan ni Heart pagdating sa mga sikat na fashion designer at Paris pa yun, ha… ang legendary fashion country ng bansa.”
Naku, bakit kaya may mga taong hindi masaya sa mga natutupad na pangarap ng iba.
***
Echo alam nang gagawin ang sellbound bago pa man tumulak ng New York
MAY dahilan pala kung bakit nasa New York si Jericho Rosales.
Bago umalis ng bansa si Echo alam na niyang bibida siya sa isang prisoner international series na Sellbound.
Pumunta ang actor sa New York para paghandaan ang mapanghamong papel sa international prison action series ng ABS-CBN International Production and co-production division, BlackOps Studios Asia, Psyops8, Story Arch Pictures, at Agog Film Productions na Sellblock na kanyang pagbibidahan.
Nakunan ng pahayag si Echo kahit kasalukuyang nasa New York pa siya.
Aniya, ipinaalam sa kanya ang Sellblock tatlong taon na ang nakalilipas.
“It’s always very exci-ting to do new things, especially groundbreaking projects and I felt that Sellblock’ is one of those. It was presented to me at the time when I was looking for projects with more grit, projects that would push me, motivate me to try out new things, out of the box stuff, even character roles.”
Ang Sellbound ang comeback project niya matapos ang top-rating series niyang Halik nu’ng 2018.
Puspusan siyang nag-research at nagti-training para sa kanyang role sa serye kasama ang isang New York-based acting coach para sa ‘fresh experience’ na ito.
Pangarap din daw talaga ng aktor na makatrabaho ang mga mahuhusay na aktor sa industriya kaya hindi niya pinalagpas ang oportunidad.
Makakasama ng actor sa Sellblock ang mga bigating sina Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Rosanna Roces, Mon Confiado, RK Bagatsing, at Pepe Herrera.
Nang mabasa raw ni Echo ang mga magagandang komento ng mga netizen na nababasa niya sa online mas lalo siya na-inspired na gawin ang Sellbound.
Patuloy ngayon ang pakikipagsanib-pwersa ng ABS-CBN para sa mga international project habang wala silang franchise sa free TV.