Advertisers
DAYAAN SA BETS STL DRAW? NOON lamang pong Miyerkules ng gabi (March 23, 2022) ay nagkaroon ng malaking gulo sa Probinsya ng Batangas dahilan sa kawalan ng live coverage sa pagbobola ng loterya ng Batangas Enhanched Technilogy System, Inc. (BETSI), ang kompanyang nagpagpapatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)-Small Town Lottery (STL). Duda po kami na wala naman ginawang draw ang BETSI, pagkat naunang ibinalita na ang tumamang kumbinasyon ay 22-27, nasundan ng announcement na 5-14 at nang makailang ilang oras ay saka nagbigay ng pinal na balita ang BETS na ang tunay na nanalong kumbinasyon ay 34-2.
Sa looban ng kada taon na pamamahala ng BETS sa lottery draw sa Batangas ay makailang beses nang nangyayari na walang live coverage ang STL draw at sa tuwing hindi aktwal na napapanood ng balanang mananaya ang pagbobola ay nagkakaroon ng alingasngas na isyu ng dayaan sa resulta ng pagbobola ng provincial lottery draw ng STL sa buong lalawigan ng Batangas. Kailangang pumagitna na dito ang tanggapan ni PCSO General Manager Royina Garma o kaya ay huwag nang tangkilikin o tumaya sa pajueteng BETSI ang mga mamamayan. MENSAHE NI JUAN PO NG BATANGAS.
SA unang sulyap ay iisipin ng lahat na ligal na nga ang mga pasugalan sa siyudad ng Lipa, bayan ng Nasugbu, kapwa sa lalawigan ng Batangas gayundin sa bayan ng Noveleta sa probinsya naman ng Cavite.
Nagkakamali tayo mga KASIKRETA, mahigpit na ipinagbabawal ito sa ilalim ng ating batas, ngunit ang hindi natin malaman ay kung bakit tila inutil ang ating kapulisan at iba pang awtoridad?
Makabubuting tanungin natin si Cavite PNP Provincial Director, P/Col. Arnold Abad kung wala itong balita hinggil sa nagaganap na bentahan ng droga sa peryahan-sugalan (Pergalan) sa bayan ng Noveleta?
Hindi lamang sampal kay Col. Abad, kundi maging sa kabuuan ng Cavite PNP kung paano sila nalulusutan ng operasyon ng naturang pergalan na sa totoo lang ay front naman ng bentahan ng droga.
Kapag di nalansag ni Col. Abad ang operayon ng naturang gambling den ay asahan na lalo pang lulubha ang suliranin sa kriminalidad sa may pitong siyudad at labing anim na munisipalidad ng lalawigan ng Cavite.
Nakapagdududa talaga kung bakit dedma si Col. Abad at ang kanyang police chief laban sa perwisyong sugalang ito, sa kabila ng ulat na ang nasabing pasugalan ay gamit ding salyahan ng shabu.
Bakit Col. Abad sir, malabo na ba ang inyong mata para di makita ang pasugalang nasa pusod pa naman Poblacion Noveleta? May atas ba ang itaas na maghinay-hinay lang laban sa operasyon sa Noveleta na tinataguriang “Perya at shabu Princess”?
Sana hindi matulad si Col. Abad sa tinutukoy nating PNP top official. Huwag sana siyang pasisilaw sa salapi at angking kariktan ng ilang lady gambling operator tulad ng nag-ooperate sa bayan ng Noveleta, Cavite.
Hindi naman makapaniwala ang inyong lingkod na posibleng may kinalaman din sa pagluluwag ng kapulisan sa kanilang kampanya laban sa sugal at droga, ang pinataas na weekly payola, o intelhencia na kinokolekta ng ilang tong kolektor sa hurisdiksyon ng CALABARZON ( Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Sa ilalim lamang ng liderato ni Region 4A PNP Regional Director, PBG Antonio C. Yarra, natin nirinig ang ganitong nakadidismayang ulat. May mga text messages pa nga na natatanggap ang SIKRETA hinggil sa detalye ng “lagayan ng pera at ligaya” gayunman, minarapat nating huwag ibunyag ang ating source.
Pagkaupong-pagkaupo ni General Yarra ay umugong na ang balita na bukod pala sa “grease money” ay tumatanggap pa ang isang PNP top brass ng kaligayahang iniaalok ng ilang lady gambling operator sa area ni RD Yarra.
“Nito lamang po na nagkahigpitan, kunyari ay pinairal ang “No take Policy” kaya ang nangyari ay diretso sa quarter ni sir ang may pigurang mga gambling operator, pagkatapos ng kanilang masinsinang “close door” conference ay karakang may order na pwede na ulit ang operasyon ng mga sugalan sa mga peryahan” nina madam,” ang pagsisiwalat ng ating police insider.
Ang hindi alam marahil ni sir, ang pinapapak nitong laman ay pinaglipasan na ng panahon, nilapang na ng mga asong ulol at tulad na din ng pinaka-malansa at bilasang isda, ayon pa sa ating source.
Talaga namang sugal at droga ang mahigpit na kaaway ng ating lipunan at kapag nasusuhulan na nga ang ilan nating opisyales ng kapulisan, mga alkalde, punong barangay at mga opisyales nito ay tiyak na mabubulid sa impyerno ang kanilang mga mamamayan.
Samantala, tanungin din natin kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring aksyon laban sa mga drug at gambling dens sa Lipa City sina Police Chief LtCol. Ronald Cayago at Mayor Eric B.Africa?
May kinalaman din kaya ang salaping ginagamit na pangsilaw ng gambling operator at ang panandaliang ligaya na iniaalay para kunsintihin ang operasyon ng ilang iligalista sa naturang rehiyon sa pananahimik at kawalang aksyon nina Cayago at Africa?
Kung sabagay ayon sa ating source kahit gurang na ang maintainer ng peryagalan shabuhan sa Brgy. Anilao Labac na si alias Mely ay bakas pa rin ang pinaglipasan nitong ganda kaya malamang ay lalapangin pa din ito o baka naman nalapang na ni sir? Paano naman kaya nito sina mayor at hepe?
Bukod sa may iligal na pasugal si alias Mely ay nag-ooperate din ang STL con jueteng ng mag-asawang Hadjie at Aiza sa Brgy. San Jose at may mga pasakla pa ang magkasosyong peste na sina Ronnie E., at Oying sa burol ng mga patay sa mga barangay ng Lipa City?
Bukod sa pergalan at jueteng operation sa Lipa City ay may STL bookies operation din ang tatlong kilalang gambling at drug lords sa bayan naman ng Nasugbu, lalawigan din ng Batangas, pinaka-notoryus dito ay ang isang alias Willy Bokbok.Wala ding aksyon laban dito sina Nasugbu Mayor Antonio Jose S. Barcelon at ang lokal na hepe ng kapulisan.
Bagsak na nga ang liderato nina General Yarra, Mayor Africa at Mayor Barcelon dahil sa makamandag na balita ay lalo pang pinababagsak ng tatamad-tamad nilang mga pinuno ng kapulisan. Abangan pa…
***
Para sa komento:CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.