Advertisers
“AKO ay nalungkot sa nangyari at naging kahinatnan ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson.”
Ito ang sinabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nang tanungin at hingan siya ng reaksyon ng media hinggil sa pagbibitiw ni Sen. Ping sa Partido Reporma ngayong hapon, Marso 24.
Sen. Ping Lacson earlier resigned from the party dahil meron daw iendorsong another presidential candidate para sa nakatakdang May 9 elections.
“Good for Filipino people na nananatiling kandidatong presidente si Sen. Ping, sapagkat siya ay asset ng ating bansa, mas maraming magagaling na kandidato ay may pagkakataong makapamili ang taumbayan. I am happy that Sen. Ping continue to participate in the campaign as a candidate for president,” sabi ni Yorme Isko.
Sa pangyayaring ito, si Lacson ay tumatakbong independent candidate para sa pagkapangulo sa May 2022 elections.
Ani Yorme Isko, “tuloy lang ang laban at bagamat ako ay nalukungkot sa nangyari kay Sen. Ping, basta tayo hindi tayo nangiiwan.”
“Mahirap yung laban natin at di ko naman ikinukubli ito sa ating mga kababayan na yung mga supporters at nako-convert ay lagi kong sinasabi sa kanila na kung sasamahan nila ako, mahirap yung laban na sasamahan nila,” dagdag pa ni Yorme Isko.
“But then again, I do believe yung taong bayan ay tahimik lang kasi talagang papalapit nang palapit ang halalan at painit ng painit yung bangayan nung dalawang malalaking pulitiko, malalaking grupo na panay ang away at higantihan, basta ako diretso lang ako sa tao at tuloy lang ang laban natin,” dagdag ni Yorme Isko.
Samantala, sinalubong at mainit na tinanggap nang sangkaterbang Bulacaño ang motorcade ni Yorme Isko, pambatong kandidato ng Aksyon Demokratiko sa lalawigan ng Bulacan ngayong araw, Marso 24.
Si Isko ay umikot sa mga bayan ng Pulilan, Hagonoy at Calumpit sa lalawigan ng Bulacan.(BP)