Advertisers

Advertisers

Kris nagparunggit sa Leni campaign rally, ‘wag daw iboto si Bistek

0 403

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HALATANG galit si Kris Aquino sa dating karelasyon na si Herbert Bautista. Noong dumalo kasi siya sa campaign rally ni presidential aspirant Leni Robredo sa Capas, Tarlac noong Miyerkules ng gabi, Marso 23, nagpasaring siya kay Herbert noong nagsasalita na siya sa stage para ikampaniya si Vice President Leni.
Pero bago siya nagsalita, hinatak muna niya si Angel Locsin bilang surprise celebrity guest para sa kampanyang ‘yun para kay VP Leni.
Nang bumati na si Angel sa crowd, inihalintulad niya ang solid supporters ni VP Leni sa isang karelasyon na tunay na maaasahan.
Sabi ni Angel: “Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas.
“Kasi yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba?
“Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang.”
Sa sinabing ‘yun ni Angel, biglang singit si Kris. Sabi ng TV host-actress, “Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan. Aray. Ouch.”
Depensa naman ni Angel kay Kris, “Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni.”
Pero ang sagot ni Kris,”Hindi, yung sinabi mo, may karelasyon.”
Hindi naman nakuha ni Angel ang ibig sabihin ni Kris. Taong niya, “Nandito ba siya?”
Sagot ni Kris, “Yung isa nasa Uniteam, ‘yung ex…”
Hindi man binanggit ni Kris ang pangalan ng kanyang ex, obvious naman na ang tinutukoy niya ay si Herbert na kabilang sa senatorial slate ng Uniteam nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.
Dito na nagpasaring si Kris kay Herbert. Sabi niya patungkol sa dating mayor ng Quezon City,”O, huwag niyo iboto ‘yun, ha.
“Sayang ang boto dahil ‘di marunong tumupad sa mga pinangako.
“Deadma please.”
Sa puntong ito ay tinawag uli ni Kris si Angel para ipagpatuloy ang mensahe nito para sa crowd.
“Ate, pinapagalitan mo ako diyan, e,” biro ni Angel.
Hirit ulit ni Kris, “Nagbanggit ka kasi ng karelasyon, e. Baka may masabi akong masama tungkol dun sa isa pa.”
Katuwa talaga si Kris, kapag siya na talaga ang nagsalita ay nagiging isyu.
Pero ang tanong, ano kaya ang ibig niyang sabihin na hindi marunong tumupad sa mga pangako si Herbert?
***
NOONG Saturday, March 19, 2022, pinost ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram account ang picture niya na ipinakita niya na nagpakulay siya ng red sa buhok.
Ang caption niya rito ay “b**ch u better be looking [emojis] red hair!!! finally thank you @hairticulturebycarldana [emojis].”
Nag-comment ang ex-boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga sa comment section. Sabi ng aktor,”Poison Ivy?”
Sinagot naman ni Barbie ang comment na yun ng aktor. Sabi niya,”Ako nga pala ‘yung sinayang mo. Hahahaha.”
Ang sagot naman ni Diego,”Are you suuuuuure?”
Sa palitan na ‘yun ng mensahe ng dalawa, may mga netizen na nag-comment na sana ay magkabalikan sila.
Pero malabo nang magkaroon ng part 2 ang relasyon nila. Sabi kasi ni Barbie sa mga interviews niya before, after mag-break sila ni Diego, hindi na siya nakikipagbalikan sa mga ex niya.
Sabi niya,”Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex.
“Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat.
“Na dun gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan.
“Parang you had your shot. I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!”
Noong naghiwalay naman sina Barbie at Diego ay napanatili nila ang pagkakaibigan. Kaya siguro, ganoon na lang sila kung magbiruan.