Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMI ang natuwa sa ipinost ni Jolina Magdangal sa kanyang Instagram account na may caption na “Singapore… here we come! #ZiChar#Si ngapore#SingaporF ood#SG#SGfood”
Sa naturang post sa loob ng airplane, makikitang reunited sila ni Marvin Agustin habang nakaakbay ito sa kanya.
Sa succeeding post, sinabi ni Jolens na na-enjoy nila ang trip although naabutan sila ng lakas ng ulan sa Singapore.
Umani naman ng likes sa kanilang mga kaibigan at mga faney ang nasabing post kabilang na kina Melai Cantiveros, Nikki Valdez, Bianca Manalo at marami pang iba.
Marami ring MarJo fans ang kinilig dahil balik collaboration ang popular love team noong ‘90s.
May mga na-curious nga kung may gagawing pelikula ang dalawa sa Singapore.
Actually, nasa Singapore ang dalawa para sa shoot ng web series na “Singapore Reimagined” o “Zi Char or Char Lang” na sponsored by Singapore Tourism Board.
Sa naturang show, ipamamalas nina Marvin at Jolina ang galing nila sa pagluluto.
Siyempre, sa Singaporean dishes na ipi-feature nila, hindi mawawala ang Pinoy twist sa kanilang ihahandang mga putahe.
Layunin din ng YouTube series na ma-attract ang mga tao sa kultura at pagkain ng mga Singaporean.
Sa show, muling bubuhayin ang chemistry ng MarJo na naging cult favorites na ang ilan sa mga pelikulang kanilang pinagsamahan.
Kahit may sarili nang mga pamilya, nananatiling matibay ang friendship nina Marvin at Jolina kaya masasabing klik ang anumang reunion projects nila.