Advertisers

Advertisers

May susuportahang ibang presidentiable…Ping tuloy ang laban kahit nilaglag ng Partido Reporma

0 400

Advertisers

OPISYAL na inihayag ni presidentiable Sen. Ping Lacson na nagbitiw na siya bilang chairman at miyembro ng Partido ng Demokratikong Reporma kaya nangangahulugang isa na siyang independent candidate sa pagka-pangulo sa May 22 elections.
Paliwanag ni Ping, sinabihan anya siya ni dating Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, party president, na ang kanilang partido sa Davao del Norte na pinamumunuan ni Secretary-General at Provincial Gov. Edwin Jubahib ay nagpasya na mag-endorso ng ibang presidential candidate.
“CONSIDERING THAT IT IS AT THE BEHEST OF THESE TOP-TIER OFFICIALS THAT I WAS RECRUITED AS A MEMBER AND THE PARTY’S STANDARD-BEARER AND THEREAFTER ELECTED AS ITS CHAIRMAN, I BELIEVE IT IS ONLY DECENT AND PROPER — CONSISTENT WITH MY TIME-HONORED UNCOMPROMISING PRINCIPLES — TO MAKE THIS DECISION.
“IN THE FACE OF THESE RECENT DEVELOPMENTS, ALLOW ME TO SAY: LIKE A TRUE-BLOODED WARRIOR THAT I AM ALL MY LIFE, I WILL CONTINUE THIS FIGHT IN PURSUIT OF MY QUEST TO SERVE MY COUNTRY AND OUR PEOPLE, As YOUR CHIEF EXECUTIVE — IF GOD AND THE FILIPINO PEOPLE WILL IT, COME MAY 9, 2022,” pahayag pa ni Sen. Lacson.
Tiniyak din ni Ping kina Alvarez at Jubahib at ng iba pang Reporma candidates na wala anya siyang sama ng loob sa mga ito at malaya ang sinumang nais lumahok o sumali sa kanila sa pagpili ng presidential candidate na gusto nila.
“SA LAHAT NG MYEMBRO AT KANDIDATO NG PARTIDO REPORMA SA LABAS NG DAVAO DEL NORTE — WHO JOINED THE PARTY BECAUSE OF OUR SHARED ADVOCACY TO FIGHT GRAFT AND CORRUPTION IN PURSUIT OF GOOD GOVERNANCE, ALL FOR THE SAKE OF OUR BELOVED COUNTRY AND PEOPLE — WITH OR WITHOUT PARTY AFFILIATION — I AM NOT LEAVING YOU BEHIND. I ASSURE YOU THAT I WILL BE YOUR LEADER AND SUPPORTER IN OUR SHARED CONVICTIONS AND ASPIRATIONS.
“MAGKAKASAMA PA RIN TAYO SA LABAN NA ITO.
“TULAD NG PAULIT ULIT KONG SINASABI, TULOY ANG LABAN HANGGANG SA DULO!
“GOD BLESS OUR BELOVED PHILIPPINES,” pagtatapos ni Ping. (BKC)