Advertisers

Advertisers

Mayor Isko, dedma sa mga endorsement na nakukuha ng kalaban

0 187

Advertisers

WALANG makakapapag-padiskaril kay Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno pagdating sa paghahangad nitong makapaglingkod sa lahat ng Pilipino bilang Pangulo at maiangat ang antas ng kanilang buhay sa gitna ng patuloy na pandemya.

Bagamat ayon sa kanya ay nakatutulong talaga ang lahat ng uri ng suporta, hindi umano siya natakot o nangamba na maari niyang ikatalo ang pagkakaroon ng endorsement ng kanyang mga kalaban.

Para kasi kay Moreno, mas importanteng ipagpatuloy pa rin niya ang direktang pakikipag usap sa mga mamamayan kesa intindihin ang pag-endoso ng isang grupo na binubuo lang ng iilan.



“Just to be fair to you, siyempre, lalong hihirap ang laban ko. Kasi mga pedigree na nga, sinamahan pa ng mga pedigree ulit, napakalalaking grupo sa pulitika. Siyempre kailangang maging tapat ako sa taongbayan, na kung sasamahan nila ako, sasama sila sa mahirap na laban, hind sa magaan na laban,” ayon kay Moreno/

“Mas humirap ang laban ko. But just the same, remember, lahat ng aklat ng buhay ko, puro mahirap ang laban ko. Sa awa ng Diyos at salamat sa Diyos, nalagpasan ko lahat, nagtagumpay ako. Tingin ko naman, sa tulong ng Diyos at sa tulong ninyo, malalagpasan ko rin itong hamon sa buhay. Kaya lagi ko ngang sinasabi sa tao, huwag tayong susuko,” ayon pa kay Moreno.

Naniniwala si Moreno na nasa mamamayang Pilipino ang huling desisyon at sila ang siyang masusunod kung sino ang gusto nilang maging susunod na Pangulo at hindi ang anumang partido, oligarkiya o artista.

May katwiran naman talaga si Moreno na ganito ang maging takbo ng pag-iisip dahil sa sobrang init ng pagtanggap sa kanya ng ordinaryong mamamayan kahit pa saan siya magpunta.

Mismong ako ay nakita ko sa aking dalawang mata kung paano siya pagkaguluhan at dumugin ng madla na di magkamayaw makita lang siya.



Wala ring alisan sa upuan at tutok ng pakikinig at pagre-record sa cellphone ang mga tao kahit pa abutin ng isang oras si Moreno magsalita sa kanilang harapan. Walang naikot na pera at pangako ng ginto.

Ang tanging ipinapangako ni Moreno, na alam kong tutuparin niya, ay ang pagbibigay ng magandang kinabukasan sa mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng mga makabagong ideya at mabilis na pagkilos, gaya ng kanyang ginawa at naabot sa Maynila.

Tama si Mayor Isko. Wala nang pinakamatibay na endorsement kungdi ang mangggaling mismo sa taumbayan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.