Advertisers

Advertisers

Mga pangakong politiko matutuldukan ba?

0 331

Advertisers

MULA nang magkaisip ako ay bukambibig na ng POLITICIANS tuwing sasapit ang ELECTION na kanilang sosolusyunan ang paghihirap ng sambayanan; subalit hanggang ngayon, SEÑOR CITIZEN na ako ay nananatiling mahirap at napag-iiwanan sa pangkabuhayan ang mayoryang sambayanan.., na tila, mga POLITICIAN na lamang ang nagsisiyaman.

Gayunman, may isang nanunungkulan bilang isang BARANGAY CHAIRMAN ang papaimbulog sa pagiging COUNCILOR sa kanilang lungsod upang isakatupran nito ang kaniyang layunin na “MATULDUKAN ANG PAULIT-ULIT NA POLITIKONG KAPANGAKUAN”.., yun nga lang, MATUTULDUKAN NGA BA ANG NAKAGAWIANG PURO PANGAKO SA TUWING SASAPIT ANG HALALAN?

“Kaya nga po ako sasabak sa Konseho para matuldukan ang puro pangako ng mga politiko.., kailangan makamit at magkaroon ng katuparan ang mga layunin na matulungang maiangat ang antas ng kabuhayan sa mga mahihirap nating sektor,” pahayag ni BRGY. CANIOGAN CHAIRMAN REYNALDO ” KAP. REY” C. DE JESUS na kakandidatong COUNCILOR ng PASIG CITY.



Mga ka-ARYA sa PASIG CITY.., etong si KAP. REY ay nitong 2018 ang kauna-unahan niyang kandidato bilang CHAIRMAN mula sa kaniyang pagiging BARAGAY KAGAWAD na mayorya sa mga ka-barangay ang nagtiwala sa kaniyang kakayanan.., kaya naman, siya ang naging BRGY. CANIOGAN CHAIRMAN.

Ang ating bansa ay binubuo ng 42,028 na mga barangay at nitong.nakaraang taon, ang BRGY. CANIOGAN ay nagawaran sa unang pagkakataon bilang “MOST SUSTAINABLE AND LIVEABLE BARANGAY” at si CHAIRMAN DE JESUS naman ang isa sa 3 mga BRGY. CHAIRMAN sa buong bansa ang nagawaran ng “HONORARY BARANGAY CAPTAIN OF THE YEAR”.

Pinapurihan at kinilala ang naging panunungkulan ni DE JESUS base sa kaniyang mga proyektong naisagawa mula noong nagsimula ang pandemya; maayos na pagbibigay ng ayuda at foodpacks; pagpapanatili ng seguridad at maagap na pagtugon sa mga sakuna at disgrasya.

Batang Pasig si KAP. REY na noong taong 1987 ay nagtapos ito ng sekondarya sa RIZAL HIGH SCHOOL.., ito ang eskuwelahang opisyal na kinilala.ng GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS na “THE LARGEST SECONDARY SCHOOL IN THE WORLD” mula taong 1993 hanngang 2005; na ilan din sa mga nagsipagtapos dito na naging matagumpay bilang public servant ay sina FORMER SENATE PRESIDENT JOVITO SALONGA at NEPTALI GONZALES.., at ngayon ay aARYA na si KAP. REY sa KONSEHO ng kanilang LUNGSOD upang tuldukan na ang paulit-ulit na kapangakuan ng mga POLITIKO tuwing kampanyahan at sa halip ay ISAKATUPARAN ang lahat ng pangangailan ng mga PASIGUEÑO.

Ang naturang eskuwelahan ay nasasakupan ng BRGY. CANIOGAN, na ang pangalan ng kanilang lugar ay hinango sa katawagang “NIYUGAN” dahil pangunahing produkto noon ay mga NIYOG.., yun nga lang paglipas ng panahon ay iilang COCONUT TREES na lamang ang makikita sa ngayon; kung saan, ang BRGY. CANIOGAN ay may kabuuang sukat na 140 ektaryang lupa at ito ay isa sa BIGGEST SEMI-URBAN COMMUNITIES ng PASIG CITY.



Sa kandidatura ngayon ni KAP. REY ay isinusulong nito na maresolbahan ang pagpoproblema ng PASIGUEÑOS sa isyung EDUKASYON, TRABAHO, at PABAHAY.., na aniya ay maisasakatuparan sa sinserong pagseserbisyo at ang pakikipagkooperasyon ng mga mamamayan gayundin ng mga INVESTOR para mapaasenso ang pangkabuhayan sa pangkalahatang aspeto ng kanilang lungsod!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.