Advertisers

Advertisers

Modernized Units ng Metro Rizal UV Transport umarangkada na!

0 690

Advertisers

KASAGUTAN sa mga hinaing ng mga mananakay sa pampublikong sasakyan ang magandang balitang nasagap ng mga Ka Usapang HAUZ nitong mga nagdaang araw.

Yung tipong pusturang pustura ka at super bango dahil papasok ka sa iyong opisina, subalit ang masasakyan mo ay may aircon nga super init naman, hindi pa yan ang kalbaryo ng mga mananakay na labis ring inerereklamo ang hindi pagsunod sa seating capacity na itinakda ng LTFRB.

Kaya mga Ka Usapang Hauz maiibsan na ang problema ng mga commuters dahil umarangkada na pala sa Lungsod ng Antipolo ang mga bagong modernized units ng Metro Rizal UV Transport and Multipurpose Cooperative (MRTSMPC).



Alinsunod sa pinag-uutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Cooperative Development Authority (CDA) at Office of Transportation Cooperatives (OTC), mantakin ninyong naitawid nila ang pagtataguyod ng kooperatiba sa gitna ng pandemya, ‘putcha hindi lang bilib hanga pa’ diba mga Ka Usapang HAUZ.

Biruin nyo, habang ang ibang kooperatiba ay natulala na lamang sa pahirap na ginawa ng lockdown at patigilin ang normal na byahe ng mga pampasadang sasakyan, ang kooperatibang ito ay nagkaroon pa ng gasoline station, LPG retail store at higit sa lahat, nasunod nila ang mandatong consolidation for modernization na programa ng Department of Transportation.

Saludo hindi lamang ang Usapang Hauz sa pamunuan ng MRTSMPC kundi pati na rin ang mga Antipolonian sa pangunguna ni Chairman Raul Asuncion at General Manager Julie Tablan, na dahil sa inyong pagtitiyaga sa maayos na pamumuno.

Bakit kaya ganun? Hindi talaga maaalis ang mga bulok sa isang samahan, subalit kung mangingibabaw ang disiplina, tibay ng dibdib at payak na layong makatulong sa mas nakakarami, kayang-kaya walisin papalabas ang mga bulok ang pag-iisip at walang maitutulong sa samahan! Ginawa yan ng MRTSMPC. Kaya yung mga napag-iiwanan na kooperatiba dyan, magsisunod na kayo!

Napaka-aliwalas ng mga bagong units ng MRTSMPC. Gawa ng Columbian Motors Corporation, ang mga Mahindra buses ng nasabing kooperatiba ay umaabot na sa 40, at asahang dadami pa ito.



Libo-libo din ang byaherong napagsisilbihan ng kooperatibang ito. Meron silang apat na ruta na taon nang binibilang na binabaybay. Mula Antipolo at Tanay, mayroon silang pasada papunta ng Mega-Mall, Starmall, Edsa-Central at Ayala.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036