Advertisers

Advertisers

Simula na ng 45 days campaign sa lokal

0 380

Advertisers

(Si Joey Venancio ay on-leave simula ngayon. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.)

IT’S time!!!

Simula na nga ng mas magulong kampanya para sa mga lokal na kandidato na manunungkulan ng tatlong taon. Ito yung governor, congressman, pababa sa konsehal.



Oo! Asahan na ang pagsulpot sa inyong bakuran ng mga kandidatong ito, liligawan kayo para makuha ang inyong damdamin at maiboto sila sa darating na Mayo 9.

Tandaan ninyo ito, repapips: Ang mga kandidato na nagpapakahirap pumunta o nagsadya sa inyong malalayong lugar, yan ay seryoso sa paghingi ng inyong boto para makapagserbisyo ng maayos sa inyong bayan o lalawigan.

Pero ang kandidato na namimigay lang ng pera sa pamamagitan ng kanilang mga lider at hindi ninyo nakita o narinig kung ano ang aasahan sa kanila kapag sila’y nahalal, yan ay walang magandang gawing mabuti kapag nakapuwesto. Mismo!

Ang kandidato na gumagastos ng milyones sa kampanya, asahan na kapag nakaupo, yan ay mangungulimbat lang para mabawi ang kanyang ginastos sa eleksyon.

Ayon sa Comelec, ang isang kandidato ay pinapayagan gumastos ng hanggang 3 piso (P3.00) lamang. Ang grupo ay hanggang 10 piso (P10.00).



Sa pagpili ng iboboto, dapat mayroon itong plataporma o mga plano niya kapag siya’y nahalal. Dapat ay marinig ninyo ito direkta mula sa kanyang bibig. Upang kapag siya’y nasa puwesto na ay masisingil ninyo siya sa kanyang mga ipinangako sa inyo. Na kapag hindi niya natupad ang mga sinabi sa kampanya ay hindi na siya ibalik sa sunod na eleksyon.

Kaya napakahalaga ang marinig ang mga plataporma ng bawat kandidato lalo sa gobernador, kongresista at meyor. Mismo!

Sa nasyunal, narinig na natin sa kanilang mga rali at pagdalo sa mga debate kung ano ang kakayahan ng presidentiables, vice presidentiables at senatoriables. At siguro naman ay nararamdaman ninyo kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo at nambobola lang.

Ang kandidato sa nasyunal ay manunungkulan ng anim na taon. Kaya kilatising mabuti ang bawat kandidato lalo sa presidente bago i-shade sa balota. Huwag nang pa-budol pa. Huwag nang maniwala sa “3 to 6 months” na mga pangako na tatapusin ang ganito, ganyan sa loob ng mga buwan na ito. Tapos kapag nakaupo na ay siya pala mismo ang protektor ng mga kalokohan. Mismo!

Again, repapips!, hanapan ninyo ang bawat kandidato ng kanilang plano, ng inyong aasahan kapag ito ay nahalal. Huwag basta iboto ang kandidato nang hindi narinig ang kanilang plataporma. Dapat may maliwanag na dahilan ito sa kanyang pagtakbo, hindi iyong basta lang kumandidato nang walang plano. Ang eleksyon ay seryoso. Kaya maghalal tayo ng mga tamang kandidato Mismo!

***

Patindi nang patindi ang kampanya ng mga kandidato sa pagka-pangulo.

Sa nalalabing 45 days ng kampanyahan, nakikita na natin na dalawa nalang ang pinagpipilian ng nakararami sa sampung presidential aspirants, sina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos, Jr.

Sa dalawang ito, nakikita narin natin kung sino ang nakakuha ng momentum after 1st 45 days ng kanilang pangangampanya. Kung ang mga survey ang basehan, landslide ang magiging panalo ni Marcos. Pero kung ang bilang ng mga tao na pumupunta sa rali ang gawing basehan, landslide naman si Robredo.

Kayo, sino po ang napupusuan ninyong maging Presidente natin sa sunod na anim na taon?