Advertisers

Advertisers

Bea kumportable na kay Alden; Marian at Dingdong nakiisa sa election advocacy

0 401

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KABILANG ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa maraming Kapuso stars na nakiisa sa election advocacy ng GMA Network na “Dapat Totoo.”
Layunin ng comprehensive election advocacy na ito na magkaroon ng mapayapa, malinis, at tapat na halalan sa May 2022.
Sa isang report sa 24 Oras, inilahad nina Dingdong at Marian ang kahalagahan ng kanilang naging partisipasyon sa adbokasiya na ito.
“Dapat talaga isipin nating mabuti kung sino ang karapat-dapat nating iboto at magandang pagkakataon din ito na ibinigay sa amin ng GMA para mabigyang linaw din at matulungan sa pag-isip ng tama [ang publiko],” ani Marian.
Dagdag pa ng aktres, “Sabi nga nila sa isip, sa salita, at sa gawa dapat totoo.”
Ayon naman kay Dingdong, bilang mga magulang ay importante para sa kanila ng asawa niyang si Marian ang ganitong klase ng adbokasiya.
Aniya, “Para sa amin, very personal din ito dahil mahalaga ang paparating na eleksyon natin dahil ang talagang magbe-benefit nito talaga ay ang susunod na generations [kabilang] na ‘yung mga anak namin [kaya] gusto namin na suportahan ang advocacy na ito.”
Samantala, patuloy naman na mapapanood sina Marian at Dingdong sa kani-kanilang programa sa GMA.
Sa katunayan, excited na raw si Marian sa mga bagong pasabog sa paparating na episodes ng Tadhana habang si Dingdong naman ay patuloy na nag-e-enjoy bilang game master ng Family Feud.
Panoorin ang Family Feud, araw-araw 5:45 p.m at ang Tadhana, tuwing Sabado 3:15 p.m. sa GMA.
***
MASAYA at malaking bagay para kay Bea Alonzo na magiging bahagi siya ng “Dapat Totoo,” ang comprehensive election coverage ng Kapuso Network.
“It feels good and I’m so happy that GMA is actually doing this. They are being proactive ngayong eleksyon dahil sa tingin ko, may responsibilidad tayo na i-encourage ang bawat Pilipino bilang mga botante na magkaroon ng well-informed decision sa May 9,” sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules.
Sinabi ni Bea na isa sa kanyang mga prayoridad ang mahikayat ang mga tao na maging matalino at totoo sa kanilang ibobotong kandidato.
“Maganda na ine-encourage natin ‘yung bawat botante na maging totoo sa kanilang sarili, maging totoo sa pagdedesisyon nila, maging totoo para sa ating bansa,” sabi ni Bea.
Bibida si Bea sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean series na “Start-Up.”
Inihayag ng Kapuso actress na kumportable na siyang makipagtrabaho kay Alden Richards.
***
ISA na namang bagong episode ng Magpakailanman ang mapapanood ngayong Sabado, March 26.
May pamagat na My Father’s Killer tampok dito sina Eula Valdes, bilang si Imelda, Miggs Cuaderno bilang si Junjun, Neil Ryan Sese bilang si Mario, Elijah Alejo bilang Pem at Rosemarie Sarita bilang Mesiang.
Sa direksyon ni Zig Dulay, sa panulat ni Loi Argel Nova at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos, ang kuwento ay tungkol kay Junjun at mga kapatid niya na lumaki na nasasaksihan ang pananakit ng tatay nilang si Mario sa nanay nilang si Imelda. Lasenggero at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Mario. Pero sa kabila nito, inunawa ni Imelda ang asawa. Nanatili siya sa relasyon nila dahil naniniwala siyang magbabago ito.
Si Junjun ang nagsilbing protektor ni Imelda. Lumaki siyang nagtanim ng galit sa ama na hindi naman nagustuhan ni Imelda. Nagpursigi siya sa pagtatrabaho para makaipon dahil gusto niyang mailayo ang nanay at ang mga kapatid niya sa mala-impyernong buhay ng mga ito sa mga kamay ni Mario.
Pero isang gabi, mauuwi ang isang pagtatalo sa hindi sinasadyang pagpatay ni Junjun kay Mario upang maprotektahan ang kanyang ina at kapatid. Ito ang puputol sa higit dalawang dekadang pang-aabuso na dinanas ni Imelda kay Mario.