Advertisers
Propaganda is amazing. People can be led to believe anything. — American novelist Alice Walker
NAKAKALUNGKOT isipin na sa halip na pagkilala at pasasalamat ang inani ng negosyanteng si Rose Nono-Lin ay siniraan pa ito dahil sa inggit at pangambang mamayagpag ito ang magwagi bilang kinatawan ng Ikalimang Distrito ng Quezon City sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.
Nag-ugat ang paninira laban sa negosyante makaraang inilunsad nito ang kanyang scholarship program para sa matatalino at mahihirap na estudyante sa kanyang distrito na kapos sa kakayahang maipagpatuloy ng maayos ang kanilang pag-aaral.
Ayon kay Lin, hindi niya inaasahang ganito ang kanyang mararanasan mula sa kanyang mga kritiko sa kabila ba ang layunin naman niya sa paglunsad ng scholarship ay upang makatulong sa mga residente hindi lamang sa kanyang lugar kundi maging sa sinumang nangangailangan ng ayuda.
Bagama’t sa Marso 25 pa ang opisyal na simula ng kampanya para sa lokal na halalan sa Mayo 9, maaga’t walang tigil na batikos ang naranasan nito mula sa kanyang mga katunggali.
Napagalaman na ang posisyon sa pagiging kinatawan ng District V sa Quezon City ay babakantehin ni representative Alfred Vargas at ang nakababatang kapatid nitong si konsehal Patrick Vargas, na tinuturing namang pinakamahigpit na kalaban ni Lin.
At dahil sa lakas ng kanyang karisma at pagiging matulungin sa mga residente ng kanyang lugar, naging dahilan ang mga ito para umani siya ng tuligsa mula sa kanyang mga kalaban, lalo nang tumanggap pa siya ng napakalas na suporta at pagtatangkilik mula sa mga taga-District V at maging sa ibang bahagi ng lungsod.
Ang pinakahuling isyu ng paninira na ipinukol kay Lin ay ang napabalitang pagkamatay ng isang 60-anyos na senior citizen na pumila para sa isang kamaganak upang mapabilang sa papalaring mabigyan ng scholarship para sa darating na pasukan.
“Ang nasabing scholarship program ay para lamang sa mga kuwalipikadong estudyante kung saan ang mga mapipili ay dadaan sa itinakdang proseso at screening gaya ng lahat ng scholarship program,” paglilinaw ng negosyante.
“Hindi por que nakapila ang estudyante o magulang ng estydyante ay automatic na scholar na ito. Kailangang kuwalipikado at dumaan sa tamang screening at proseso ang estudyante,” dagdag nito.
Bukod sa paninisi kay Lin sa pagkamatay noong senior citizen,
pinalalabas din ng kanyang mga kalaban na namimili raw siya ng boto kaya’t dumagsa ang mga tao sa pila.
Batay sa obserbasyon ng ilang taga-masid, sinisiraan si Lin sa mga dahilang sobrang lakas niya sa mga residente at botante, upang pagtakpan ang anomalya sa proyektong ‘Palupa at Pabahay’ ni Rep. Vargas at ang pagkasangkot nito sa binansagang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) scam, at upang matulungan mai-angat ang naghihingalong kandidatura ng kanyang kapatid para maging kongresista at manatili ang kanilang impluwensya at kapangyarihan sa Ika-5 Distrito.
“Hindi lamang ‘yan, nahaharap si Vargas sa kasong graft sa Ombudsman, na isinampa ng mga naging biktima ng kanyang ‘Palupa at Pabahay’ project, na ibinunyag ni District V councilor Allan Francisco sa isang privilege speech,” wika pa ng negosyante.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!