Advertisers

Advertisers

LJReyes naglabas ng update sa kanyang vlog sa buhay sa Tate

0 409

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA latest vlog ni LJ Reyes ay naglabas siya ng update tungkol sa kaniyang kasalukuyang buhay kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.
Matatandaang matappos makipaghiwalay kay Paolo, ay lumipad patungong America ang aktres kasama ang kanyang mga anak.
Sa naturang vlog ay puro mga clips ng bonding moments nilang mag-iina ang mapapanood.
Mayroon ring isang clip kung saan tinanong ni LJ si Summer kung saan siya thankful.
Tanong nI LJ sa anak,”Tomorrow is Thanksgiving. Who are you thankful for?”
“Mommy,” sagot ni Summer.
“You’re so sweet, love. I’m thankful for you and Aki,” balik sagot ni LJ sa anak.
Matapos marinig ni Summer ang sagot ng ina ay muli na naman itong nagsalita at sinabing, “Yeah and then you’re gonna cry again. Mommy! Oh my goodness! Oh my goodness!”
Marami ang natuwa para kay LJ dahil maayos ang kalagayan nilang mag-iina sa sa ibang bansa.
Naglabas naman ng pahayag si Lolit Solis, ang talent manager ni Paolo sa kanyang Instagram account patungkol kay LJ.
Sabi nito,”Talaga naman hindi na dapat magbigay ng comment ni Paolo Contis pag tungkol kay LJ Reyes
“Kahit ano pa sabihin, Paolo was trying to be a good father sa mga anak niya. Tatlo ang anak niyang babae, 2 kay Lian Paz at 1 kay LJ Reyes.
“Puwede na hindi siya naging mabuting partner sa dalawa pero hindi puwede ibintang na hindi siya naging mabuting father sa mga anak.
“Nasa mga ina ang mga bata, alam nila na meron din karapatan si Paolo sa mga anak, at dapat bilang mabuting ina, hayaan nilang makilala ng mga bata ang kanilang father.”
Hiling ni Manay Lolit, na sana ay huwag ilayo nina LJ at Lian kay Paolo ang mga anak nito dahil may karapatan siya sa mga ito bilang ama.
“Kahit ano pa ang gawin nila, hindi puwede burahin na si Paolo Contis ang ama nila. Kahit pa nga hiwalay na sila, bigyan nila ng semblance of normalcy ang mga bata.
Sana maging maayos ang pag uusap nila Lian, LJ at Paolo para sa kapakanan ng mga bata.
“We pray na maging maganda ang resulta para sa lahat.”
***
DAHIL walang show ngayon sa telebisyon ang komedyante na si Dagul, kaya naghanap siya ng ibang pagkakakitaan. Nagtatrabaho siya ngayon sa barangay hall ng Montalban, Rizal, kung saan siya ang head ng command center ng mga kagawad sa kanilang lugar.
“Maliit ang kita. Hindi naman ganoon kalaki kasi nga sa barangay, ang ibinibigay sa amin honoraria lang,” sabi ni Dagul sa interview sa kanya ni Ogie Diaz para sa vlog nito.
Katuwang din siya ng kanyang misis sa kanilang maliit na sari-sari store. Siya raw ang nagbabantay kapag abala ang misis niya sa mga gawaing-bahay.
“‘Pag wala akong trabaho Sabado, Linggo, dito ako sa bahay. May maliit kami na tindahan.”
Aminado si Dagul na malaki ang pagkakaiba ng kita niya ngayon kumpara sa kinikikita niya noong nasa showbiz pa siya.
Namomroblema siya ngayon dahil hindi na niya matustusan ang edukasyon ng dalawang anak. Maliban dito, may problema rin siya sa kanyang mga paa dahil naka-wheelchair na siya. Hatid-sundo siya ng kanyang isang anak sa barangay hall dahil kailangan siyang buhatin.
“Binubuhat ako ng anak ko para pumasok.
“Kasi mahina na talaga. ‘Pag tumayo ako, parang nababali siya. “Siguro overweight o epekto na siguro medyo matanda ka na,” Ang huling show ni Dagul ay ‘yung Goin’ Bulilit noong 2019 pa. Nang mawala ‘yun sa ere ay hindi na nga siya nagkaroon pa ng show sa TV.