Advertisers
MARAMING mga kababayan nating mindoreño sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro partikular na sa Calapan City ang nakakakila kay Attorney Gilbert U. Repizo na isang mahusay at tapat na public servant.
Sa kabatiran ng lahat, nagsimulang maglingkod si Atty. Repizo sa Calapan City taong 1998 nang maluklok ito bilang Number 1 City Councilor kung saan nakapagpasa siya ng ibat-ibang ordinansa sa lungsod na hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng mamamayan.
Dahil sa husay at kasipagan ni Atty. Repizo, nahirang siya bilang Executive Director ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa panahon ng kanyang panunugkulan.
Matatandaang bago pa naupo si Atty. Repizo bilang konsehal ng lungsod ay marami na siyang natulungan sa pamamagitan ng “free legal consultation” at libreng notaryo para sa mga kapus-palad.
Bukod sa laki sa hirap at pagiging malapitin nito sa mga maralitang pamilya, si Atty. Repizo ay tinaguriang “Abogado ng Masa” at tagapagtanggol ng mga mahihirap sa Calapan City, Oriental Mindoro pagdating sa usaping legal.
Maraming mindoreño at calapeño ang kumumbinsi kay Atty. Repizo na ipagpatuloy niya ang kanyang nasimulang paglilingkod sa kanyang mga kababayan na tumakbo bilang alkalde ng Calapan City.
Nawala man si Atty. Repizo sa larangan ng pulitika noon ay hindi naman nawala sa larangan ng paglilingkod, kung saan nagsilbi siya bilang Deputy Commissioner sa Bureau of Immigration sa pamahalaang nasyunal.
Hindi rin nakalimutan ni Atty. Repizo ang kanyang mga kababayan, nang magkaharap kami sa Sto Domingo Church sa Quezon City at napag-alaman ko na nais pa rin nitong maglingkod at mag-serbisyo sa mga calapeño.
Ayon naman sa panawagan ng ilang mindoreño kay Atty. Repizo na nakausap natin, kahit sa isang bayan o siyudad sa Oriental Mindoro siya maglingkod ay kanila itong susuportahan.
Kaya ang tanong natin, Si Atty. Repizo na nga ba ang hahalili kay outgoing Mayor Arnan Panaligan sa Calapan?
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.