Advertisers

Advertisers

_Taliwas sa fake news_ *VP Leni may malinaw na plano para gawing ‘global maritime force’ ang seafarers ng bansa*

0 316

Advertisers

Imbes na mapaniwala sa fake news at sa social media posts, dapat makinig ang mga Marino sa mga sinasabi mismo ni Vice President Leni Robredo tungkol sa maritime industry.
Ayon kay Senator Sonny Trillanes, dating opisyal ng Philippine Navy, ang mga sinabi ng bise presidente ay “aligned” sa “navigational map” ng industriya.
Binanggit ni Trillanes ang pahayag ni Robredo sa pulong kasama ang Filipino Shipping Associations noong March 7 kung saan sinabi ng bise presidente na sinusuportahan niya ang gusto ng maritime industry.
Ayon kay Trillanes, ang mga pahayag ni Robredo ay inaral ng mga lider sa industriya, mga eksperto, at mismong mga Marino. “And they were the ones who gave the inputs,” aniya.
“Ito ay ayon na rin sa consultative style ni VP Leni sa pagpanday ng mga mahahalagang polisiya,” dagdag ng senador na tumatakbo sa ilalim ng Robredo-Pangilinan team.
Aniya, gusto ni Robredo na ang mga eksperto ang mismong matatalaga ng tutunguhin ng industriya na kumakaharap ng matinding kompetisyon, mga bagong patakaran, at pagsubok,
“For me, her statement during her talk with leaders of the Filipino shipping industry is her official policy articulation, hindi yung pineke sa TikTok or sa YouTube,” ika ni Trillanes.
Sa kanyang talumpati, inilabas ni Robredo ang kanyang “Blue” strategy para sa ekonomiya kung saan nilalagay nito ang mga Marino at lokal na maritime industry sa puso ng kanyang plataporma.
Tinitingnan ni Robredo ang bansa bilang isang umuusbong na pwersa sa maritime industry na naka-angkla sa modernisasyon at handang maglalayag at makikipag-kompitensiya sa buong mundo.
Sinuportahan din ng bise presidente ang pag-upgrade ng mga imprastrakturang pandagat para mapa-unlad ang “integrated intermodal logistics system” at upang makapagpadala ng mas maraming Philippine-flagged na barko sa karagatan.
Sa mga sumusunod pa nitong pahayag, muling binigyang-diin ni Robredo ang kanyang “Blue” strategy na makapag-produce ng mas maraming Pinoy na Marino na kikilalanin ng mga dayuhang shipping fleet.
Aniya, ang kanyang administrasyon ay mag-iinvest sa mas maraming kwalipikadong Marino na siyang magbubukas ng kompetisyon at mataas na pasahod sa industriya.
Ayon kay Robredo, kapag ang Marino ay nakapagtapos o kwalipikado para sa mas mataas na ranggo, hindi lang ito makatutulong sa pamilya ngunit pati na rin sa bansa.
“By far, she’s the only presidential candidate who had made it very clear that the seafaring industry – most especially the seafarer – would be one of her major economic pillars,” ayon kay Trillanes.
Aniya, hindi binastos ng bise presidente ang mga Marino nang magmungkahi ito ng bagong programa.
Sa halip, ipinakita niya ang kanyang tiwala at buong pagkilala sa mga Marino at sa kanilang kakayahan at abilidad na magtagumpay, ayon kay Trillanes.
“Hindi tayo pwede malamangan ng mga seamen from Indonesia and India dahil mabilis na sila nakakahabol sa training,” ani Trillanes.
“The troll farm that deems this as belittling or disrespecting our Pinoy Marino may have never known a relative or a neighbor who worked in an international vessel,” dagdagn ng senador.