Advertisers
NAG-ORGANISA ang grupo ni Senator Christopher “Bong” Go ng relief activity sa Novaliches, Quezon City para sa mga residenteng nahihirapan sa gitna ng COVID-19 pandemic kasabay ng pananawagan ng mambabatas sa gobyerno na iprayoridad ang paglikha ng mga trabaho.
Sa isang video message, sinabi ni Go na maraming Pilipino ang kasalukuyang walang trabaho o nag-aalala sa kanilang kabuhayan.
Tiniyak niya na patuloy na inuuna ng gobyerno ang mga manggagawa at kanilang mga pamilya habang tinutugunan nito ang mga hamon na dala ng patuloy na krisis sa kalusugan.
“Mga kababayan, alam naming mahirap ang panahon ngayon. Marami ang nagsara ang negosyo o nawalan ng trabaho at ang bawat isa diyan ay may pamilyang pinapakain. Kailangan muna natin magtulungan at magbayanihan upang malampasan natin ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” ayoon kay Go.
“Huwag po tayong mag-alala. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para ibalanse ang kalusugan ng bayan at ang pangangailangang magtrabaho para sa inyong pamilya,” dagdag niya.
Ang pangkat ng senador ay nagbigay ng mga pagkain at mask sa higit 600 residente sa Zabarte Subdivision Covered Court sa Barangay Kaligayahan. Nagbigay sila sa mga piling indibidwal ng mga bagong pares ng sapatos o bisikleta para sa transportasyon at nagbigay sa iba ng mga computer tablet upang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Bilang karagdagan, ang mga tauhan mula sa Department of Social Welfare and Development ay namigay ng tulong pinansyal bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na tulungan ang mga indibidwal sa mga sitwasyon ng krisis.
Ipinaalala ni Go sa ahat na manatiling mapagbantay sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Hinimok niya ang mga karapat-dapat na mabakunahan laban sa COVID-19 upang maiwasan nilang magkasakit ng malubha.
“Ang pangunahing layunin natin ay ang matigil ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa para mas mapabilis ang pagbalik natin sa normal. Kapag marami ang bakunado, mas ligtas ang ating mga pamilya at komunidad,” apela ni Go.
Bilang chair ng Senate Committee on Health, nag-alok din siya ng tulong sa mga may problema sa kalusugan. Pinayuhan silang mag-avail ng tulong medikal mula sa gobyerno sa kanilang pinakamalapit na Malasakit Center. Ang center ay isang one-stop shop na tumutugon sa mga pasyenteng humihingi ng tulong mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa kasalukuyan ay mayroong 151 Malasakit Centers sa buong bansa, 11 dito ay matatagpuan sa Quezon City. Ang programa ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 114631, na pangunahing inakda at itinataguyod ni Go sa Senado.