Advertisers

Advertisers

Proclamation Rally ni Bagatsing dinumog

0 366

Advertisers

NAGSAGAWA ng Grand Proclamation Rally ang #AmaNgMaynila kasama ang pamilya KABAKA sa Dagonoy Public Market, Onyx Street, District 5 nitong Biyernes, March 25.

Sinalubong ng libong katao si Mayoralty bet Amado Bagatsing o Daddy A upang makiisa sa isang tunay na pagbabago para sa lungsod ng Maynila.

Sinamahan ni District 5 Congresswoman Cristal Bagatsing ang kanyang ama, mga ibang Senatorial candidates, at ni Vice Presidential candidate Sara Duterte.



Sa makasaysayang gabi ng proklamasyon, ibinahagi ni Amado Bagatsing ang kanyang ilang mga plataporma de gobyerno para sa lungsod ng Maynila.

Ipinahayag ni Bagatsing na may ilang dekada na siyang tumutulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programang pangkalusugan sa KABAKA.

Bilang susunod na mayor, sisiguraduhin nitong mabubugyan ng tulong medikal ang lahat ng Manilenyo.

Prioridad ni Amado ang edukasyon ng mga mag-aaral para sa kanilang maayos na kinabukasan at dadagdagan ang kasalukuyang allowance ng mga ito.

Sinabi pa ni Bagatsing na sisiguraduhin nitong makasasabay ang mga jeepney drivers sa bagong teknolohiya para tuloy-tuloy silang kumita.



Naipasa rin Amado Bagatsing ang mandatory contribution sa PAG-IBIG para lahat, kaya may pag-asang magkabahay.

Tiniyak naman ni Bagatsing na mananatili ang magagandang proyekto ni Mayor Isko Moreno kung siyang ang susunod ng alkalde ng lungsod.

Inamin ni Amado na iiwan ng kasalukuyang administrasyon na lubog sa utang ang Maynila, kaya ngayon pa lang pinag-aaralan na niya kung paano ang kanilang gagawin sa panahon na siya na ang bagong alkalde ng lungsod.