Advertisers
Nanggagalaite’t nadismaya pala ang mga KAKAMPINKS kay SENATOR RICHARD “DICK’ GORDON kaya kumalat ang hashtag na #DropGordon para sa SENATE SLATE ni PRESIDENTIAL CANDIDATE LENI ROBREDO.., at yan ay dahil lumabas daw ang pambabastos ng una sa kaniya mismong mga kasamahang kandidato.
Hindi raw masikmura ng mga SUPPORTER ni ROBREDO ang kabastusang ipinapakita ni GORDON sa kanilang mga campaign sortie.
Ang matinding ikinadismaya ng mga KAKAMPINKS ay nang isagawa sa NUEVA ECIJA ang ROBREDO-PANGILINAN PEOPLES RALLY.., na noong ipakilala ni GORDON ang kaniyang mga kasamahan sa SENATORIAL SLATE na mayroong mga ABOGADO, INCUMBENT SENATORS ay tila nilait nito si REP. TEDDY BAGUILAT nang ipakilala niya ito. Sa pagpapakilala ni GORDON ay umindak pa ito at ginaya ang sayaw-katutubo para ilarawan si BAGUILAT kasunod ang paghagalpak ng tawa
Sa tweet ng ilang mga netizens ay hindi lang ginagaya ni GORDON si BAGUILAT kundi may halong pangungutya umano ang inasta ng una.
Ang mga nadismayang SUPPORTER ay nagsaad na tila walang paggalang si GORDON sa mga KATUTUBONG KULTURA.., na dapat, ang isang mambabatas na tulad ni GORDON ang maging modelo sa pagpapahalaga at pagrespeto sa mga KULTURA ng ating mga KATUTUBO.
Isa pang “PAMBABASTOS” umano ni GORDON ay sa sortie na idinaos sa SURIGAO CITY.., na, inagawan umano nito ng mikropono ang kinatawan ni SEN. LEILA DE LIMA na siyang unang dapat na magsasalita sa entablado.
Ilan pa sa umano’y “BASTOS LINE” ni SEN. GORDON ay ang idinaos na ZAMBOANGA SORTIE na naglitanya itong.., “Ipasok ninyo si Dick! Sa balota ha? Hindi sa kung anong butas.”
Sa Facebook post ni ZENA BERNARDO, ang INA ni ANA PATRICIA NON na nasa likod ng MAGUINHAWA COMMUNITY PANTRY ay iginiit nito na.., “dapat ibasura si Sen Gordon dahil bastusan ang pangkiliti nito sa mga botante na bagay lamang ang Senador sa red strip ng Olongapo at hindi sa buong Pilipnas.”
TInawag din nitong FREE LOADER ang SENADOR na may libreng appearance na sa stage ni VP LENI.., subalit never na inendorso naman ang kandidatura ni ROBREDO. Tanong pa nito ay.., kung bakit pinapayagan ng ORGANIZER na nasa listahan si GORDON na isang oporunista to the max.
Mga ka-ARYA… KARAMIHAN sa KAKAMPINKS ay mga KABABAIHAN.., kaya naman, hindi uubra kung ipaiiral ang BASTOS NA BUNGANGA ni SEN. GORDON dahil lalo lamang maiimbyerna
ang mga kabaro ng ating mga nanay!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.