Advertisers
Dumalo sina Manila Mayoral candidate Atty. Alex Lopez, Vice Mayor aspirant Raymond Bagatsing at Congw. bet Trishia Bonoa sa weekly El Shaddai fellowship na ginanap sa International House of Prayer sa Amvel, Parañaque City nitong March 26, 2022.
Nagpapasalamat ang tambalang Lopez-Raymond at Bonoa sa pagkakataong makasamang muli si Bro. Mike Velarde.
Nakikiisa si Atty. Alex at Raymond sa mga adhikain ni Bro. Mike at ng grupong El Shaddai na tiyakin ang kapakanan ng pamilya.
Sinusuportahan din nina Lopez-Raymond ang ‘Pamilya Muna Partylist’ ni Velarde.
Sinabi ni Lopez, hindi tulad ng iba niyang katungali sa pagka-Alkalde sa Maynila may sariling partylist o maraming partylist na sinusuportahan tulad ni dating Cong. Amado Bagatsing, mayroon ‘Kabaka Partylist’ at si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan todo-suporta sa Lunas Partylist, Buhay Partylist, at Frontliners Partylist.
Ipinagkaloob ni Lopez ang buo nitong suporta sa ‘Pamilya Muna Partylist’ para sa darating na halalan dahil aniya, kinikilala itong tagapagtaguyod ng pamilyang Pilipino sa Kongreso.
Nagsusulong ng mga patakaran, batas, at programa para sa ikauunlad at ikatitibay ng pamilyang Pilipino bilang saligang pundasyon ng isang matatag at maunlad na Pilipinas.
Patuloy na lumalapit sina Atty. Lopez at Raymond sa Poong Maykapal at sa grupo ni Brother Mike na gabayan at tulungan ngayon eleksyon.
Kung saan nagpahayag din naman si Velarde sa kanyang mga miyembro na malaya silang makakapamili kung sino ang nais nilang iboto.
“The choice is yours, not mine. I had my personal choice,” wika ni Brother Mike.
At tanging sila presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Mayor Sara Duterte pa lamang ang kanyang personal na iniendorso para sa 2022 polls.